Kabanata 11

9.1K 203 18
                                    

"We'll leave on Thursday."

"Thursday?" Natigilan ako sa sinabi ni Hayes. Martes ngayon. Kung ganoon, sa isang araw ang alis namin? "Hindi ba puwedeng Biyernes?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin at kunot-noo akong tiningnan. "Why? You have anything else to do?"

Sumubo siya ng kaniyang kinakain. Tinotoo niya nga ang sinabi niyang kakain kami ng dinner sa kaniyang opisina. Hindi ako nakatanggi dahil hindi niya ako binatiwan hanggang sa nakarating kami sa kaniyang silid.

Yumuko ako at marahang pinaglaruan ang kutsarang hawak. Narito kami sa tapat ng kaniyang table. Siya ay nasa swivel chair, ako naman ay sa upuan na madalas inuupuan ng kaniyang kliyente.

Wala naman talaga akong gagawin sa araw na iyon bukod sa trabaho, ngunit iyon ang araw na naisip kong makipagkita kay Mr. Villason. Aabutin kami nang dalawang araw sa Baguio ayon kay Hayes matapos niyang ikumpirma sa akin na mayroon siyang kliyente roon.

"Wala. Natanong ko lamang. Why not tomorrow then?"

Umangat ang isang kilay niya sa akin. "May hearing ako bukas. Hindi puwede na basta akong umalis, Sin."

Ngumuso ako at tumango na lamang kalaunan. "Okay." Okay dahil wala rin naman akong magagawa. Kung bukas ko kikitain si Mr. Villason, hassle naman dahil kailangan kong maghanda para sa pag-alis namin.

Tumahimik ang pagitan ng aming lamesa kaya't nagpatuloy na lamang ako sa pagkain. Ramdam ko ang pagsulyap sa akin ni Hayes. Hindi ako tumunghay ng tingin dahil ayaw kong pansinin ang mga tingin niya.

Nauna akong natapos sa pagkain. Siguro dahil sa katitingin niya sa akin ay hindi niya na namalayan na nauna akong natapos. Tinaasan ko siya ng kilay kaya't inilihis niya kaagad ang kaniyang mga mata; nagpatuloy siya sa pagkain, ako naman ay pumangalumbaba para pansamantala siyang pagmasdan sa ginagawa.

Hindi ko naiwasang pasadahan ng tingin ang kaniyang mga braso na nadedepina ang mga ugat hanggang sa kaniyang mga kamay mula sa nakabalukiskis niyang sleeves. Ang lapad ng kaniyang balikat, ang postura ng kaniyang pag-upo, ultimo ang paghawak niya sa kubyertos na hawak ay masyadong nakamamanghang tingnan. Masyadong matiim at lalaking-lalaki.

Inabot niya ang bottled water sa kaniyang gilid at saka uminom doon, nang dumapo ang kaniyang mga mata sa akin. Muntik nang dumausdos ang kamay kong napatukod sa aking baba. Nakita niya pa yata na tinititigan ko siya!

Tumikhim ako at umayos ng upo.

"Wala ka ng inuutos, Attorney?" kaswal kong tanong.

Humalukipkip siya. "Your work is done, kaya wala na."

"Kung gano'n salamat sa pagkain. Mauna na ako." Eksaktong pagtayo ko ay ang pagtayo niya rin.   

Aligaga ang kaniyang ekspresyon na tiningnan ako. "You're leaving already?" tanong niya, tila hindi makapaniwala na ngayon na ako mismo aalis. Bakit? Akala niya ba magtatagal ako rito e tapos naman na kami mag-usap?

"Oo—" Huminto ako nang may biglang naalala. "May ipinapahatid ka nga pala, nakalimutan kong dalahin. Puwede bang bukas ko na lamang dalahin dito sa opisina mo o kung gusto mo kuhanin mo na lamang sa opisina ko."

Tahimik siyang tumango sa akin. "Okay."

"Then I should go, Attorney."
 
Bago pa siya makapagsalita ng kung ano ay mabilis na akong naglakad palabas sa kaniyang opisina. Para akong nabunutan ng tinik nang nakalanghap ng sariwang hangin. He and I in a room feel suffocating. Hindi ko mapigilan ang pag-uumalpas ng puso sa aking dibdib lalo pa nang naisip kong nakita niya na tinititigan ko siya kanina.

Ipinilig ko ang aking ulo at nagmartsa patungo sa hagdanan. Pagbibigyan ko siya ngayon. Ngayon lang ito, Sin. Pakatapos n'yo sa Baguio, roon mo na siya kailangang iwasan.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now