Kabanata 21

8.1K 167 10
                                    

A monster in disguise. Iyon ang maihahalintulad ko sa aking sarili sakaling kailangan kong humarap sa salamin at tingnan kung ano talaga ako. Nakatatawang isipin kung paano tayo nagagawang baguhin ng hinaharap. Mula sa walang kaalaman, patungo sa mapagmanipulang isipan.

Minsan naiisip ko kung paano kung mawalan na lamang ako ng pakialam sa lahat ng bagay? Hayaan ang mga nangyari sa nakaraan at sundin na lamang kung ano'ng naisin ng puso ko. Matatahimik pa rin ba ang isip ko? Mapapatanag pa rin ba ang sistema ko?

Palagi nilang sinasabi na ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Paano kung hindi ako naging pabaya? Paano kung naging masunurin ako noon? Saan kaya ako dadalahin ng mga paa ko? Matutupad ko ba ang mga pangarap ko? Magiging kontento na ba ako? Magiging masaya na kaya ako? Makikilala ko ba si Hayes?

If we have been given a chance to fulfill what we want, galak ang pinakanatural na magiging reaksiyon. That we should be happy because we're granting our desires.

But why can't I?

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa monitor na nasa aking harapan. Ilang beses akong huminga nang malalim bago ko naisipang i-disconnect at patayin ang mga cameras ng CCTV footage. Halos lahat ng pasilyo ng COST ay may kaniya-kaniyang CCTV na nakakabit kaya't kinailangan ko pang magtago sa dilim upang hindi mahagip ng mga ito.

Suot ang purong itim na kasuotan, diniretso ko ang daan patungo sa silid kung nasaan ang mga monitors nito. Kinailangan ko pang hintayin ang panandaliang paglabas ng nagbabantay bago ko naisipang pumasok sa loob.

Pinutol ko ang wire na nakakabit sa isang monitor na nakakonekta sa CCTV room ng financial department. Sinigurado kong hindi na mabubuhay pa ang mga camera na nakakabit sa pasilyo na daraanan ko bago ko naisipang lumabas sa silid.

Sinipat ko ang madilim na pasilyo sa tigkabila kong gilid. Pasado alas dose na ng gabi. Walang pasok ang karamihan sa mga empleyado kaya't tahimik ang buong building. Nang makitang wala ni isang magbabantay ang pagala-gala sa paligid ay nakahinga ako nang maluwag.

Inayos ko ang itim na sumbrerong suot bago tinahak ang pasilyo patungo sa may hagdanan. Hindi ko puwedeng gamitin ang elevator dahil posibleng may dumaan doon ng ganitong oras.

Pino ngunit mabibilis ang mga yabag ko habang tinatiyaga na hindi makalikha ng ingay hanggang sa marating ko ang pasilyo patungo sa silid na aking pakay. Inayos ko ang gloves kong suot bago pinihit ang seradura ng pintuan upang hindi ako roon makapag-iwan ng marka. Tiningnan ko na ang buong silid kanina matapos kong i-check ang CCTV at siniguro na wala ni isang empleyado ang naroon, at hindi naman ako nagkamali.

Isang madilim na silid ang bumungad sa akin. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng itim kong pantalon at binuhay ang flash light niyon. Lumunok ako at sinipat ang buong paligid upang matingnan.

Nakasarado ang mga kurtina. Hindi ko na iyon binuksan nang lumipat ang paningin ko sa table ni Lizzie. Mabilis akong tumungo roon at naupo sa may swivel chair paharap sa kaniyang computer. Pinatay ko ang ilaw ng aking cellphone nang buhayin ko ang CPU pati na rin ang monitor.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko sa pinaghalong kaba at takot. Kaba dahil sa gagawin ko, at takot dahil baka may makakita sa akin.

"You can do it, Sin. You'll just need to spread the virus to unlock the security."

Gaya ng aking inaasahan ay may password iyon nang buksan ko. Nanginig ang kamay kong dinukot ang flash drive na nasa aking bulsa bago ko iyon panandaliang tinitigan. Muling nagtalo ang isip ko sa pinaplano kong gawin.

Are you sure about this, Sin? Talaga bang gagawin mo ito? Well, it's been my plan from the very beginning, kaya bakit hindi ko itutuloy? Bakit kailangan kong magdalawang-isip?

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now