Kabanata 39

10K 226 16
                                    

Hindi ako nakapagsalita sa nakaawang kong bibig nang lumabas kami ni Hayes sa sasakyan at hatakin ako papasok ng munisipyo.

Wait, is he serious?

Kung saan-saan kami lumiko hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang opisina. Kumatok siya roon nang tatlong beses bago may nagbukas niyon mula sa loob. Hinila niya ako papasok doon. Bumungad sa amin ang isang lalaking medyo may edad na. Nakaupo ito sa swivel chair at ngayon ay nakatingin sa aming direksiyon.

"Judge Profacio," si Hayes.

"Atty. Costillano, mabuti at medyo naagapan mo. I have an urgent appointment later this evening kaya't hinintay talaga kitang dumating," ani ng judge bago ako nito sinipat ng tingin. "Siya na ba 'yan?" tanong nito na ikinakunot ng aking noo.

Nag-angat ako ng tingin kay Hayes. "Kilala niya ako?" bulong ko sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin bago bumulong sa may banda kong tainga, "As my fiancée, yeah."

Namilog ang mga mata ko at wala sa sariling kinurot siya sa tagiliran.

"Aww!"

"You've planned this?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Bumukas ang kaniyang labi para sana makapagsalita, ngunit tumikhim ang judge sa aming harapan na pareho naming ikinalingon dito. Bigla akong tinamaan ng hiya lalo na nang hapitin ni Hayes ang baywang ko bago nangingiting tumingin sa judge.

"Are you sure that both of you agreed to this?" paninigurado ng judge. Ramdam ko ang masinsinang tingin nito sa amin nang sikuhin ako ni Hayes na ikinaangat ko ng tingin sa kaniya. Tiningnan ko siya nang masama at muli siyang kinurot sa tagiliran.

"What?" daing niya, ngunit nang napansin ang mapanuring tingin ng judge sa aming dalawa ay kaagad din siyang umaayos ng tayo. "Yes, Judge," walang halong biro sa boses ni Hayes; ultimo ang pagiging segurido niya ay nahihinuha ko.

Nanlambot ang mga tuhod ko nang bumaling sa akin ang tingin ng judge, may pagtatanong. Lumunok ako nang parang hinahalukay niya ang kaloob-looban ng isip ko kung sigurado ba talaga ako sa magiging desisyon ko o napipilitan lang. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Hayes sa aking baywang. Sa higpit niyon ay alam ko nang takot siyang tumakbo ako kung sakali.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakitaan ko ng takot at pangamba ang kaniyang mga mata, ngunit sa kabila niyon, mas nangingibabaw ang pag-asa niyang um-oo ako at pumayag na pakasalan siya.

"I. . ." My heart stops because if I say yes, I won't have any chance to run away from Hayes again.

Pumikit ako nang mariin. Walang hiya! Kasalanan itong lahat ni Hayes. Ano'ng isasagot ko?! Do I want to marry Hayes?

Hearing him call me his wife surely sounds like music to my ears, ngunit hindi dapat ganoon kababaw ang rason ko para pakasalan ko siya. I should be marrying him for countless reasons, but what if I don't have any? Only for the fact that he's Atty. Hayes Reinzo Costillano, and no man can ever be like him. The only man I want to spend the rest of my life with is the man I love.

Alam kong marami akong pangamba pagdating sa kaniya, but is it bad to choose where you can be happy? Is it bad to choose him? What's life without love? What's life without him?

"I. . .want to marry him, Judge," saad ko habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Hayes. "Mahal na mahal ko po siya." Hanggang sa punto na kaya ko siyang bitawan mailayo lamang siya sa kapahamakan.

I see the glitters in Hayes's eyes after my confession. I pull his collar to seal a kiss. Just then I feel him takes my left hand and freely wears something on my ring finger. Napasinghap ako nang matapos kong humiwalay sa kaniya ay roon ko napansin na isa iyong singsing.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now