Kabanata 16

8.3K 180 18
                                    

Nagtuloy-tuloy ang ganoong senaryo sa mga sumunod pang mga araw. Hangga't maaari ay hindi ko hinahayaan ang sarili ko na makatagpo siya sa loob ng building. Walang mga papeles na kailangang ihatid sa kaniya kaya't nakampante ako sa mga araw na iyon, kahit ang totoo naman talaga ay walang sumusundo sa akin dahil marami rin namang ginagawa si Vroxx, at hindi ko siya gustong abalahin.

Isang katok mula sa pintuan ng aking opisina ang nakapukaw sa aking atensiyon. Sinabi kong bukas iyon at bumungad sa akin si Vince na sumungaw sa pintuan.

"Vince."

Nginitian niya ako. "Hey. Uh. . .sabay ka ulit sa amin mag-lunch?"

"Okay. Tapusin ko lamang itong report ko sandali," ani ko. Ir-rename ko na lamang naman iyon pagkatapos ay is-save ko na at ip-print pagkatapos.

"Sure. I'll wait here."

Nang matapos ay tumayo na rin ako at kinuha ang aking bag na nasa gilid ng lamesa. Inayos ko ang itim kong slacks, pati na rin ang itim kong blazer. Ang buhok ko ay nakapusod, ngunit hindi na ganoon kaayos kaya't inilugay ko iyon at inulit ang pagkakatali.

Malawak ang ngiti sa labi ni Vince nang makalabas ako. 

"Tara na?"

Tumango ako sa kaniya bago kami sabay na naglakad patungo sa elevator. "Nga pala, sa financial department ka naka-assign, 'di ba?" panimula ko nang makapasok kami sa loob ng elevator.

"Yep. Bakit mo natanong?"

"Are you the Internal Auditor?"

Kumunot ang kaniyang noo. "Nope. Why?" Lumingon siya sa akin at nagtataka akong tiningnan.

Matamis ko siyang nginitian bago ako umiling. "Wala naman. Na-curious lang ako sa kung ano ang posisyon mo roon." Liar. Ayaw kong mahalata niya na nangangalap ako ng impormasyon sa departamento nila.

"Pero bakit mo naisip na ako ang Internal Auditor?" pang-uusisa niya. Sandali akong nag-isip ng isasagot.

"Uh. . .iyon lang kasi ang alam kong posisyon sa department n'yo, kaya iyon ang pumasok sa isip ko." Mukhang kumbinsido naman siya sa paliwanag ko dahil sa pagtango niya. "Ano pa ba ibang posisyon ro'n?" kaswal kong tanong.

"Chief Financial Officer, si Sir Hermes na pinaka-head ng department namin na kabilang sa board of directors; management accountant, financial accountant, internal auditor, credit controller, accounts payable accountant, which is the sub-department kung saan ako kabilang, and then ang mga account clerks."

Napatango-tango ako. Marami pala sila kung gano'n. I wonder who's responsible for the shareholders' tradings account. Hindi ako ganoon kapamilyar sa kung paano tumatakbo ang pera sa isang kompanya kaya't paniguradong mahihirapan ako sa parte na ito.

Kung plano kong manakaw ang shares ng kompanya, ang unang kailangan kong alamin ay ang mga listahan ng mga shareholders, impormasyon at seguridad ng bank accounts. . .at kung sino ang posibleng nagmomonitor ng shares ng kompanya.

"What are their roles, then? Ano'ng role mo sa departamento n'yo?"

Marahan siyang tumawa sa tanong ko. Tinangala ko siya para tanungin kung may nakatatawa ba sa tanong ko, subalit tumunog ang elevator hudyat na nasa second floor na kami. Magkasabay kaming lumabas doon.

"Bakit parang interesado ka masyado? Balak mong lumipat na lamang sa department namin? Mas gaganahan ako magtrabaho kapag gano'n, Sin," natatawa niyang saad.

Hilaw kong sinakyan ang sinabi niya at nakitawa na lamang din. 

"Mamaya dadalhin kita sa department para maipaliwanag ko sa 'yo, sa ngayon kumain muna tayo."

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now