Kabanata 33

9.2K 203 43
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata nang naramdaman na may kung ano'ng humahaplos sa aking pisngi. Bago ko pa mapansin kung nasaan ako ay mabilis na akong napaatras matapos makilala ang lalaking nasa aking harapan.

"N-Nasaan ako? Ano'ng ginawa mo kay Carolina?!"

Itinaas niya ang dalawang kamay na animo'y sumusuko bago umusli ang ngisi sa kaniyang labi. "Relax! As a deal, I didn't do anything to her. Care to ask me how I am first?"

Lumapit siya sa akin na muli kong ikinaataras, ngunit nahinto rin nang maharas niyang hinablot ang aking braso at mariing hinawakan ang aking panga.

"Didn't you miss me? Ilang buwan tayong hindi nagkita." Malamyos ang kaniyang boses, ngunit taliwas ang sinasabi ng matalim niyang mga mata.

Napangiwi ako sa higpit ng hawak niya sa akin. "H-Hayop ka. . . Napakawalang hiya mo!"

Tumagis ang kaniyang bagang at mas humigpit ang hawak sa aking panga. Napaluha na lamang ako dahil sa naramdamang sakit.

"And you are not? You're one of the villains here, Sinclaire! Baka nakalilimutan mo kung ano'ng ginawa mo sa mga Costillano—"

"Hindi ko ginawa! Inaamin kong 'yon ang plano, pero hindi ko ginawa, Vroxx! And I'll never say sorry for backing out. . ." Matapos kong malaman ang mga kademonyohan niya, tama lamang talaga na hindi ko itinuloy ang plano.

Natigilan siya at sandali akong tinitigan nang mariin. "Of course, you didn't.  Because I did."

Nagulat ako sa sinabi niya. "A-Ano?"

"You didn't want to continue the plan. Sa tingin mo gano'n ako katanga para hindi mapansin 'yon?”

Impit akong suminghap nang sinabunutan niya ang aking buhok. "V-Vroxx, nasasaktan ako..."

"We've planned everything! But you betrayed me! Para kanino? Para na naman sa isang Costillano? Am I not enough, Sin? Ako ang kasama mo sa lahat! I've given you everything! Pero bakit hindi mo pa rin ako magawang mahalin?"

Naiiling ko siyang tiningnan sa kabila ng luha na umaagos sa aking pisngi. "G-Gusto mong malaman ang sagot sa sarili mong tanong?" Nagngitngit ang aking mga ngipin. “Dahil mamamatay tao ka! Demonyo ka, Vroxx! Pinatay mo si Andres at Leandro—"

Bumagsak ako sa kama nang isang malapanit na sampal ang tumama sa aking pisngi. Nalasahan ko ang dugo sa gilid ng aking labi at napaiyak na lamang nang muli niyang sapuhin ang aking panga.

May panggigigil niya akong tiningnan. "Dahil akin ka! Akin ka, Sinclaire!"

Pabarag niya akong itinulak sa kama na aking ikinahikbi. Tumayo siya at malamig akong tiningnan. Sa mga mata pa lamang niya, ibang-iba siya sa dating Vroxx na nakilala ko noon. Gusto ko siyang sakalin! Patayin siya katulad ng ginawa niya kay Andres at kay Leandro, ngunit kung gagawin ko ang bagay na iyon, alam kong parang tumulad na rin ako sa kaniya. Walang puso. Isang demonyo.

"N-Nababaliw ka na."

Pagak siyang tumawa. "Well, maybe I am. Kaya ko nga pinatay ang pakialamerong si Andres, 'di ba? It was supposed to be Leandro who died, pero masyadong pakialamero ang kaibigan mo. Too bad, you were that fool to claim a crime you thought he had done."

Kumuyom ang mga kamao ko. Mas lalo lamang naragdagan ang poot sa aking aking dibdib. He killed Andres. He fooled me. And now he killed Leandro.

"I made a wrong decision. Hindi na sana kita pinapasok pa sa COST. Ikinasal na sana tayo ngayon."

Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Kumawala ang sarkastikong tawa sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala na ganito pala katindi ang saltik niya sa utak. Kung alam ko nga lamang din na ganito siya, sana sa mental hospital ko siya unang dinala matapos niya akong ilabas sa kulungan.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt