Kabanata 13

8.2K 212 38
                                    

Sinubukan kong kumilos matapos tumama ang liwanag sa talukap ng aking mga mata. Naramdaman ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa aking tiyan at hita, pati na rin ang mainit na hininga na tumatama sa gilid ng aking pisngi.

Iminulat ko ang aking mga mata at inilibot ang paningin sa buong paligid. Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan kung saan naroon ang isang braso ni Hayes at nakayakap sa akin, ang isa niyang binti ay nakadantay pa sa aking hita.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. Umawang ang aking labi nang nakita ang himbing ng kaniyang pagtulog.

Pumikit ako nang mariin. Itong na lalaki na ito! Ginawa niya pa akong unan!

Bahagya akong humarap sa kaniya upang mas makita ko nang buo ang natutulog niyang mukha. Naririnig ko pa ang malalalim niyang paghinga. Sumulyap ako sa bintana at nakitang mataas na ang sikat ng araw.

Ano’ng oras na ba?

“Attorney,” mahina kong pagtawag. Baka sakaling magising siya, ngunit nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata. Iimik pa sana akong muli nang napagtanto ko na baka kapag ginawa ko iyon ay makita niya lamang ang posisyon naming dalawa.

Huminga ako nang malalim at pinanatili ang mga mata sa kaniya. Inangat ko ang kamay ko at pinasadahan ng aking hintuturo ang kaniyang buhok, paibaba sa kaniyang noo, patungo sa kaniyang ilong, hanggang sa huminto iyon sa kaniyang labi.

Ang lambot ng labi niya. . .ganoon din siguro kapag hinalikan.

Shit! What? Namilog ang mga mata ko at mabilis na inalis ang kamay sa kaniyang labi. Kumalabog ang aking dibdib nang gumalaw siya at mas niyakap ako nang mahigpit.

Akala ko ay magigising siya, ngunit nakahinga ako nang maluwag nang umayos lang siya nang higa. Pumikit na lamang ako nang mariin at mahinang minura ang sarili.

What the hell am I thinking?! Hindi ko dapat ito ginagawa. At bakit ba siya nakayakap sa 'kin? Parang ang gaan-gaan naman ng braso niya at hita!

Hinawakan ko ang kaniyang braso upang dahan-dahan iyong tanggalin sa aking tiyan. Matiwasay ko iyong nagawa pati na rin ang pag-alis ng kaniyang binti sa aking hita. Huminto ako sandali nang akala ko ay magigising siya, ngunit umayos lang muli siya ng higa at nagpatuloy sa pagtulog.

Ipinilig ko ang aking ulo at napahilamos na lamang sa aking mukha. Kinuha ko ang cellphone sa may lamesa. Malapit nang mag-alas dyes ng umaga. Ano’ng oras niya ba kikitain ang sinasabi niyang kliyente at hinayaan niya na magpatanghali?

Inakala ko pa naman na sa aming dalawa ay siya ang mauunang magising dahil mas produktibo siya pagdating sa trabaho kaysa sa akin, ngunit siya pa itong mahimbing pa rin ang tulog.

Gutom na ako kaya’t naisip kong um-order na lamang ng pagkain namin bago ako dumiretso sa banyo upang makaligo. Sigurado naman ako na hindi ako makasasama sa kaniya ngayong araw dahil personal na trabaho ang aasikasuhin niya ngayon. Isang pulang spaghetti strap at puting maong shorts ang tangi kong isinuot.

Matapos ang labinlimang minuto kong pag-aayos ay lumabas na rin ako ng banyo. Doon ko naabutan si Hayes na gising na, nasa may pintuan at kinukuha ang pagkain na in-order ko. Bagot ang mukha na inilapag niya iyon sa lamesa nang huminto ang mga mata niya sa akin.

Halata pa sa kaniyang mukha ang pagkaantok. Magulo ang buhok. Humikab pa siya nang ngitian niya ako.

Ganda ng gising, Attorney a?

“Good morning. Sana ginising mo ako nang sa labas tayo nakakain.”
   
Nagkibit-balikat ako at mabilis umiwas ng tingin. Bigla kong naalala ang mga naisip ko kanina sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog. “Okay lamang naman, at saka ang himbing ng tulog mo. Nakahihiya kang gisingin.”

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now