Kabanata 37

9.1K 200 15
                                    

Sandali kong nahigit ang aking hininga kasabay ng pagkatuliro ng aking isip. Deep inside my head, I am thinking that I am just hallucinating; that maybe he's not real; that maybe my eyes are merely playing images in my head. Dahil alam ko, hindi ko kayang itanggi sa sarili ko na sa ilang buwan na hindi ko siya nakita, ni minsan hindi siya nawala sa isip ko.

Our last goodbyes didn't go well. Gusto kong umalis, ngunit hanggang ngayon malinaw pa rin sa aking isip kung paano siya nagmakaawa sa akin na huwag ko siyang iwan, ngunit hindi ako nagpatinag. There was so much more for him to look forward to. He's a successful man, kaya't inisip ko na madali na lamang siyang makahananap ng iba; iyong babaeng kaya siyang pantayan; isang babae na makakaya niyang ipagmalaki, at hindi ako iyon.

"Huwag nang tumakbo! Baka madapa ka!"

Nailihis ko ang aking paningin sa aking unahan nang pagbaba ko ng tingin ay isang maliit na bola ang tumama sa aking paanan. Sumulpot ang isang batang lalaki sa aking gilid na kaagad na napaangat ng tingin sa akin.

"Kukunin ko lamang po, ate," ani nito sa akin na tahimik kong ikinatango. Pinulot niya iyon bago ito nagmadaling tumakbo patungo sa babaeng sa tingin ko ay kaniyang ina.

Eksaktong nawala sila sa paningin ko ay ang pagbalik ng mga mata ko sa aking unahan, ngunit nagulat na lamang ako nang hindi ko na roon natagpuan pa si Hayes. Alarma akong nagpalinga-linga sa paligid para hanapin siya. Tumakbo pa ako sa mismong direksiyon kung saan siya nakatayo kanina, ngunit kahit doon ay hindi ko siya natagpuan. Bigo na lamang akong napaawang ng labi at nagpakawala ng hangin.

Tiningnan ko ang punong kinasasandalan niya kanina. Hindi ko naiwasang mapalunok sa unti-unting pagsakit ng aking lalamunan, dahil itanggi ko man sa sarili ko ngayon, labis akong umasa na matapos ang lahat ay magpapakita pa rin siya sa akin. That maybe. . .just maybe, he will try to win me again. Kahit ang totoo naman ay ako talaga ang nagtulak sa kaniya palayo sa akin.

At ano naman ang gagawin niya sa lugar na ito kung sakali? It's his birthday, and he's supposedly celebrating it with his family and friends.

Maybe I was just hallucinating. Maybe I just missed him after all...

At kung sakali man na balikan niya ako, alam ko rin naman sa sarili ko na hindi na ko iyon puwedeng hayaan na mangyari. I'm not the right one for him. Hihilahin ko lamang siya sa putikan kung sakali, at iyon ang isa sa pinakaayaw kong mangyari sa lahat.

Marahas kong pinunasan ang luhang umagos paibaba sa aking pisngi bago ko napaisipang lisanin ang lugar na iyon.

"Oh? Ba't ganiyan ang hitsura mo? Naka-drugs ka?" salubong sa akin ni Lorraine pagkauwi ko sa apartment, ngunit hindi ko siya nagawang pansinin dahil kaagad akong pumasok sa loob at kaagad siyang pinagsarhan.

Naibagsak ko ang sarili sa kama dahil sa nanghihina kong katawan. Hindi naman ako tumakbo ng ilang kilometro, ngunit ang pagod na naramdaman ko ay higit pa roon. I feel tired, both physically and emotionally, and frustrated at the same time. I am physically and mentally fine, but then I know that no one can fill the hollow within me. Isang kakulangan na wala ibang makapupuno kung hindi isang tao lamang.

Suminghap ako at imbis na punuin pa ang isip ko sa mga negatibong bagay, mas pinili ko na lamang umidlip at magpalipas ng pagod.

Sa mga sumunod na araw, napag-isipin kong tama si Hamilton at si Tita Haliya sa kagustuhan nila akong mag-aral muli. Isa pa, sakaling makatapos ako sa pag-aaral, matutupad ko na iyong matagal na pangarap sa akin ni Lola Leonora. . .at para na rin sa saliri ko. If I want to be a better person, then I should start to improve myself. Gusto kong may naaabot, ayaw ko na nandito lamang ako sa kung nasaan ako.

I want to build my own name. Na baka roon, tuluyan kong mahanap ang kompiyansa ko sarili ko. na baka roon. . .may kaya na rin akong ipagmalaki.

"Bukas ka na aalis?" si Hamilton nang minsang napadalaw siya sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho. Kasama niya si Franchisca. Naikuwento ko kasi sa kaniya na kailangan kong bumalik sa Cagayan de Oro para kuhanin ang mga requirements na kakailanganin ko para sa enrollment.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα