Kabanata 25

7.5K 177 32
                                    

Ilang beses akong napalunok habang sinisipat ang malaking halaga ng pera sa harapan ko. Talagang sinigurado ni Mr. Villason na hindi na ako makapagsasalita dahil sa tingin niya ay mababayaran niya ako.

Ibinagsak ko ang sarili sa kama. Kailangan kong mag-isip kung ano'ng gagawin ko sa pera. I-donate sa charity? Ipamigay sa mga kapos sa pera? O. . .ibalik sa COST?

Nang medyo makaramdam ng pagkauhaw ay naisip kong lumabas sa kuwarto. Napaigtad ako sa aking kinatatayuan nang biglang bumungad sa mata ko si Vroxx na prenteng nakaupo sa sofa.

"Puwede bang kumatok ka naman?!" sigaw ko sa kaniya, sapo ang dibdib sa kaba.

Seryoso ang mga niya akong tiningnan. "After ignoring my texts and calls, ganito ang ibubungad mo sa akin?" tanong niya. Naging matalim ang kaniyang mga mata.

Umiwas ko ng tingin. "H-Hindi na naman sa gano'n. Marami lamang talaga akong pinagkakaabalahan⸺"

"And that includes adding padlocks to your door?"

Natigilan ako. Noong isang linggo kasi ay pinadagdagan ko ng padlock ang main door pati na rin ang kuwarto ko. Nakatulong naman dahil halos isang linggo siyang hindi sumulpot sa apartment ko. Ngayon na lamang muli dahil naiwan ko iyong bukas. Day-off ko naman ngayon at naisip na manatili lamang muna rito sa apartment.

"Forget it. Mag-ayos ka. Lalabas tayo."

"Saan tayo pupunta?" Sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming usapan na lalabas kami ngayon. At isa pa, baka hindi ako payagan ni Hayes sakaling lalabas ako nang si Vroxx ang kasama.

Umatras ako nang tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at humakbang palapit sa akin. "Tonight's the event. I'll be introducing you to my parents."

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa narinig.

Ngayon ba 'yon?!

But wait, alam ko na may event siyang sinabi sa akin noon na kailangan naming puntahan, pero wala siyang sinabi na ipakikilala niya ako sa mga magulang niya! And oh! He has parents! For the first time in history, ngayon ko lamang nalaman na mayroon palan siyang magulang! Hindi naman sa akala ko ay mag-isa na lamang siya sa buhay, pero hindi naman kasi siya nagkukuwento tungkol doon kaya nakagugulat. At bakit kailangan niya akong ipakilala?

"P-Pero, Vroxx wala akong maisusuot⸺"

"Ako ang bibili ng susuotin mo. Hindi mo kailangang alalahanin."

"Pe⸺"

"I'll be waiting outside. Bilisan mong kumilos." Lumabas siya at iniwan akong nakanganga.

Kailangan ba talagang kasama ako? Nakalimutan kong itanong sa kaniya kung ano'ng klaseng event ba ang mayroon ngayon.

Si Hayes, ano'ng sasabihin ko kay Hayes? Magpapaalam ba ako sa kaniya? Pero paano kung hindi niya ako payagan? Baka magalit si Vroxx. Mukhang kailangan niya pa naman ako roon.

Inis akong suminghal at nagmartsa papasok sa kuwarto ko. Isang gabi lamang naman. Kahit hindi ko na siguro sabihin sa kaniya? At saka baka madali lamang din na matapos. Tama. Bukas naman ay babalik na ako sa trabaho kaya magkikita kaming dalawa. Tama, Sin. Tama.

Ayon kay Vroxx ay didiretso na kami sa venue pagkatapos naming bumili at ayusan. Hindi ko alam kung gaano ba kabongga ang event na pupuntahan namin dahil dinala niya ako sa evening gown section nang nakarating kami sa boutique matapos akong maayusan. Tiningnan ko ang presyo ng bawat gowns na nandoon at halos malula ang mata ko sa presyo.

"Vroxx, ano'ng klaseng event ba 'yon? Okay lang naman sa 'kin iyong simpleng evening gown," bulong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin dahil may isang babae siyang kinakausap. Kalaunan ay nilapitan ako ng babae. Iginaya ako nito patungo sa dressing room.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon