Kabanata 14

8.1K 189 22
                                    

Noon pa man, sobrang babaw lamang talaga ng kaligayahan ko: ang mapatawa ang kaisa-isa kong Lola Leonora. Her smiles were my motivation to go on in life. Na kahit may mga panahon na kinakapos kami sa pera pantustos sa pang-araw-araw, hindi ko iyon inisip bilang hadlang sa mga pangarap na gusto kong makapit.

I wanted to give her the best, ngunit hindi ko na iyon magagawa dahil maagap niya akong iniwan. Siya na nag-iisang pinaghuhugutan ko ng lakas na tanawin ang bukas. I got lost when she left me. Nahanap ko man ang daan para bumangon, alam ko naman na hindi tama.

To go on in life is to find your real purpose.

Isang bagay na kailangan mong hanapin upang maging masaya at maging kontento. Naisip ko tuloy kung mayroon pa ba ako niyon, dahil sa ilang taong nagdaan, wala na ako iba pang naramdaman kung hindi ang poot na ilang taong naipon sa aking dibdib.
  
Subalit nang gabi na iyon, pakiramdam ko nalusaw nang panandalian ang lahat. Ang mga pader na itinayo ko. Ang mga talulot na siyang nadurog at nalagas ay unti-unting nagkaroon ng pag-asang muling sumibol. . .ng dahil muli sa isang pagkakamali.

Kailan ba ako papaninigan ng tama? Bakit kalimitan na sa maling pagkakataon nahahanap ang kaligayahan? Bakit palaging mali? Alin ba dapat ang tama kung gano'n?

Iminulat ko ang aking mga mata at natagpuan ang sariling nakayakap sa isang pamilyar na katawan. Ang aking ulo ay nakaunan sa kaniyang braso habang nararamdaman ko ang kaniyang hininga na tumatama sa tuktok ng aking ulo.

Inangat ko nang kaunti ang ulo ko upang sipatin si Hayes na ngayon ay natutulog pa. Bumalik ang tingin ko sa braso kong nakapulupot sa kaniyang tiyan. Lumipad ang isip ko sa nangyari kagabi. Kung paano niya ako hinalikan—sa noo. Kung gaano kagaan ang mga haplos niya sa akin tila sinusuyo ako.

Pumikit ako nang mariin. I'm not dumb. I used to observe people ever since. Alam ko sa tuwing may gusto sa akin ang isang tao o wala. Magpapasalamat na lamang siguro ako dahil hindi na humantong pa sa mas malalim ang nangyari. He just confessed to me indirectly, at wala akong plano na palalimin pa kung sakali ang nararamdaman niya.

Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at gano'n na lang ako mag-inarte kagabi?! So what if he ditched your dinner, Sin? Kayang-kaya mong kumain nang wala siya!

Nilukob ako ng iritasyon bago ko naisip na bumangon, ngunit bago pa humiwalay ang katawan ko kay Hayes ay siya namang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking baywang para yakapin ako.

"Attorney," pagtawag ko, "kailangan na nating maghanda pabalik sa Maynila."

"Hm. One more hour, please." Napangiwi ako kaya't kinurot ko siya sa tagiliran na kaniyang ikinadaing. "Aw!"

"Matulog ka nang isang oras mag-isa mo! Maghahanda na ako! Bahala ka!" Pilit kong inalis ang braso niya sa baywang ko.

"Sin." Sinubukan niya akong hulihin ngunit mabilis akong nakabangon at nakalayo sa kaniya.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Don't let your guard down, Sin! Hindi puwede ang lahat ng 'to!

"Maliligo na ako. Kung hindi ka kikilos ngayon, ako na lamang ang babalik sa Maynila nang mag-isa."

Umawang ang kaniyang labi sa akin, halatang naguguluhan sa biglaan kong pagiging seryoso. Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas nang bumangon siya. Umupo siya sa kama at nangingising napahawak sa pang-ibaba niyang labi. Inirapan ko siya at saka ako nagtungo sa cabinet upang kumuha roon ng tuwalya.

"Are you ashamed because of what happened last night?" may bakas ng kapilyuhan ang kaniyang tuno.

"Bakit? Ano ba'ng nangyari kagabi?" Sumulyap ako sa kaniya at nakita ang pagtaas ng kaniyang kilay. "H'wag kang mag-assume ng kung ano. Nainis lang ako kasi naghintay ako nang matagal."

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now