Kabanata 30

9.1K 191 34
                                    

Ilang beses akong nagpakawala ng hangin habang nakatingin sa screen aking cellphone. Two days. Dalawang araw na simula nang huling pagkikita namin ni Hayes kung kalian inamin ko sa kaniya ang lahat, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakatatanggap ng tawag o kahit ni isang mensahe mula sa kaniya.

Bakit nga ba umaasa pa ako na matapos ang lahat ay magagawa niya pa rin akong kausapin? Siguro dahil pinanghahawakan ko pa rin ang mga katagang mahal niya ako, kahit wala akong kasiguraduhan kung hanggang kailan gayong nalaman niya na ang lahat.

Matapos ang gabi na iyon, nawalan na ako ng lakas ng loob na muling bumalik sa kompanya. Ngayong alam na ni Hayes ang lahat, hindi malabong alam na rin ng lahat na kasabwat ako sa nasabing pagkawala ng shares.

Naiisip ko pa lamang ang mga tingin at sasabihin ng mga empleyadong naroon ay pinanghihinaan na ako ng loob. They’d think that I was the villain here, but am I not? I've planned to ruin the COST, the Costillanos, and now it's happening. Baka ngayon ay nagpapaimbestiga na sila at baka pinaghahahanap na rin ako ng mga pulis lalo pa't nabalitaan ko kahapon na kasaluyukang nagtatago sa kung saan si Mr. Villason.

But isn't it a good thing that Hayes knows the truth already? Mas mabuti na iyong nanggaling sa akin kaysa malaman pa niya sa iba.

Ano pa nga ba'ng ginagawa ko rito? Bakit ba hindi na lamang ako umalis at magpakalayu-layo na lamang? Hihintayin ko pa ba na muli akong makulong kahit alam ko sa sarili kong wala naman akong ginagawang masama? Pero bakit naman ako tatakbo kung alam ko sa sarili kong wala naman akong ginagawang masama? Bakit ako matatakot?

Ang alam ko lamang, sa kabila ng kagustuhan kong makaganti kay Leandro, hindi ko pa rin nagawang ituloy ang plano. Para kay Hayes. . .hindi ko ginawa. Para kay Hayes. . .nagawa kong talikuran ang lahat ng poot na nakabaon sa puso ko. Ngayon, hindi ko alam kung may natitira pa ba roon dahil purong sakit na lamang ang tangi kong nararamdaman. Umasa akong maiintindihan niya, na papakinggan niya ang rason ko, ngunit ang lahat ay hindi aayon sa kung anuman ang aking gustuhin. Katulad ng kung paano ako umasa kay Leandro, ngunit sa bandang huli nagawa niya akong talikuran. Ginamit niya lamang ako para siya'y pagtakpan.

Suminghap ako sa luhang umagos mula sa aking mga mata. Bakit ba hindi pa ako nadala sa nangyari kay Leandro noon? Na ang isang Costillano, wala ibang gagawin sa 'yo kung hindi ang talikuran ka lamang. . .matapos ang lahat.

Dapat noon pa lamang inisip ko na, walang patutunguhan ang paghihiganti, dahil sa huli. . .tatalunin ka lamang Ng konsensiya mo. Pagsisisihan mo ang lahat. Kung sana ay nagsimula na lamang akong muli. Kung sana ay nagpakalayu-layo na lamang ako.

Bumangon ako sa higaan at kaagad na nagtungo sa maliit kong drawer. Kinuha ko ang bag ko roon at kaagad na sinilid doon ang aking mga kagamitan.

Nagkamali na ako noon, kaya ayaw ko na muling magkamali ngayon. Kung may dapat man akong ipaglaban, iyon ay ang sarili ko, ang kainosentahan, hindi ang isang pagmamahal na sa bandang huli ay tatalikuran ka lamang.

Matapos kong makapag-ayos ng sarili ay lumabas na rin ako sa apartment. Pumara ako ng taxi papunta sa COST. Kung saan ako nakahanap ng lakas ng loob ay hindi ko alam, ang tanging naiisip ko na lamang ay ang ipaglaban ang sarili ko at patunayan na wala akong ginagawang masama.

Tahip ang kabog sa aking dibdib at ang namamawis kong mga kamay, naglakad ako papasok sa COST kung saan ako pinapasok ng guard. Ngunit nasa may bungad pa lamang ako nang ako'y matigilan matapos masalubong ang mga mata ng mga emplyedo, ang receptionist, at ang ilang pang mga dumaraan.

"Siya 'yon. Galing daw sa rehas."

"Grabe, ang kapal naman ng mukha niya na bumalik rito matapos ng ginawa niya."

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now