Kabanata 27

7.5K 161 25
                                    

Kinakagat ko ang pang-ibabang labi habang mariing nakatingin sa nakapatay kong cellphone. Hindi malabo na matapos ang nangyari ay bigla na lamang sumulpot si Vroxx sa apartment ko.

Lumipad ang tingin ko sa pintuan nang bumukas iyon. Bumungad sa akin si Hayes na may dalang paper bag. Kaagad akong tumayo sa kama. Lumapit siya sa akin at inabot iyon. Mabilis siyang umiwas ng tingin nang abutin ko iyon sa kaniya. Sinipat ko ang loob niyon at nakitang iyong undergarment na ipinabili niya.

Mariin kong ipinagdikit ang mga labi para pigilan ang namumuo roong ngisi.

"Nothing's funny. Stop smirking," masungit niyang saad, subalit mas lumawak lang ang ngisi sa aking bibig.

"Thanks. Ihahatid mo na ba ako pauwi pagkatapos?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Parang kasing nakahihiya sa mama mo kung—"

"I already talked to her. Puwede kang matulog dito."

"Ah." Tumango-tango ako. "Okay. Salamat sa bra, Attorney."

"Sin!" Napangiwi siya.

Humagikgik akong naglakad papasok sa banyo at napailing-iling na lamang. I have no idea that he's capable of doing things like this. Maliit na bagay pero kaya akong pangitiin. 

Sa apat na sulok ng kuwarto na iyon ako nagpalipas ng gabi. Hindi ko alam kung saang kuwarto natulog si Hayes, pero hindi ko na masyadong inalam.

Mataas na ang sikat ng araw nang nagising ako kinabukasan. Walang orasan na nakasabit sa kahit saang sulok ng dingding, kaya't wala akong ideya sa kung ano'ng oras na. Hindi ko pa kasi nabubuhay ang cellphone ko.

Bumangon ako sa higaan para makapag-ayos ng sarili pagkatapos ay lumabas na rin ako sa kuwarto. Tahimik ang buong hallway nang nilinga ko ang paligid kaya naisip kong tahakin na lamang ang daan patungong hagdanan.

Nasaan kaya si Hayes? Tulog pa kaya? O baka nasa ibaba?

Nasa ikahuling baitang na ako ng hagdanan nang makarinig ako ng mumunting ingay. Huminto ako sa paglalakad.

"Aalis kayo? 'Ma, hindi pa kayo nag-aagahan."

Gumilid ako at bahagyang nagtago sa gilid ng pader. Sumilip ako at nakita si Hayes at ang kaniyang mama.

"Sa kompanya na ako mag-aagahan. Gusto kong sabay kaming kumain ng papa mo."

"'Ma, you don't have to—"

Masamang tiningnan si Hayes ng mama niya. "Kailangan, Hayes! Kung hindi mo lamang sana ikinansela ang engagement n'yo ni Giselle, hindi aabot sa ganito ang lahat!"

Umawang ang bibig ko sa narinig. Wala akong maintintidihan masyado sa pinag-uusapan nila, pero alam kong masama ang loob ng mama ni Hayes sa kaniya.

"Pagtataluhan na naman ba natin 'to, 'Ma?"

"At bakit hindi? Dahil sa babaeng 'yon, hindi ba?"

Natutop ko ang aking bibig.

"Was she the reason behind all of this, Hayes? Maayos naman kayong dalawa noon ni Giselle, pero ano'ng nangyari, Hayes? Just because of that—" Pumikit ang mama ni Hayes nang mariin at napahawak sa sentido nito. Mabilis naman itong inalalayan ni Hayes. "Just because of that woman! Hindi sana aabot sa ganito ang lahat! Look at what happened in our company—"

"'Ma, walang kinalaman si Sin!"

Natuod ako sa aking kinatatayuan sa biglang pagdawit ni Hayes sa pangalan ko.

"I'm not saying that it was her fault! Pero kung hindi dahil sa babaeng 'yan hindi kayo masisira ni Giselle! Hayes, the Valderama's are tycons! They're even good policitians! Isipin mo na lamang kung gaano kalaki ang maitutulong nila ngayong unti-unti na tayong nauubusan ng investors!"

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now