Kabanata 24

6.9K 133 11
                                    

Hindi na ako nakatulog pa nang maayos nang gabi na iyon sa takot na baka muling pumasok si Vroxx sa loob ng kuwarto ko. Kung tutuusin, hindi naman talaga dapat ako makaramdam ng takot sa kaniya, ang problema ay hindi na ako ganoon kakomportable. Parang may mali na hindi ko mawari.

Inakala kong umalis na siya nang dumating ang umaga matapos bumalandra sa akin ang tahimik na sala, subalit nakarinig ako ng mumunting ingay mula sa kusina. Mariin kong ipinagdikit ang mga labi at naglakad patungo roon. Sumandal ako sa hamba ng pintuan. Nakita kong naglalagay ng mga plato si Vroxx sa lamesa.

Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay hinagip ako ng kaniyang paningin. Ngumiti siya. "I ordered our breakfast. Let's eat," ani niya, ngunit hindi ako kumilos sa aking puwesto. Lumukot ang kaniyang noo. "Talagang ganito ang isasalubong mo sa akin? After I've been gone for weeks? Really, Sin?"

Pumikit ako sandali at humugot ng hangin. "Hindi naman sa gano'n, pero Vroxx, sa tingin ko. . .hindi ka na dapat pumapasok sa apartment ko nang hindi sa akin nagpapaalam."

Naningkit ang kaniyang mga mata. "Pinagbabawalan mo ba ako?" banta niyang tanong.

Mabilis akong umiling. "H-Hindi sa ganoon⸺"

"You look scared. Hindi ba dapat masaya ka ngayon? COST has been losing their shares. Aren't you the one behind that?"

Nanuyo ang aking lalamunan. Humakbang siya palapit sa akin. "Vroxx. . ." Sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo? Pero paano kung iba ang maging reaksiyon niya? Paano kung taliwas siya roon?

Pinaglaruan niya ang ilang hibla ng aking buhok. Inilapit niya ang mukha sa akin. Napaatras ako.

"You did great. That only means puwede ka nang umalis sa kompanya."

Nagulat ako sa sinabi niya. "A-Ano?"

"If losing the shares continues, siguradong mawawalan ng investors ang COST. They surely lose their employees sakaling lumubog ang kompanya nila at wala ng pampasuweldo. You need to leave before they find out that it was you."

Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Paano niya nasisiguro na ganoon nga ang mangyayari? At wala akong ginagawang masama!

Matalim ko siyang tinitigan sa kabila ng takot na namuo sa aking dibdib. Hindi ko maisip kung bakit sa una pa lamang ay pumayag na ako sa lahat ng bagay na inaalok niya. Ni hindi niya ako ganoon kakilala noon, kaya bakit bigla-bigla siyang susulpot at sasabihin sa akin na kaya niya akong ilabas na empyernong rehas na iyon?

"Bakit mo. . .ako piniling tulungan noon?" Bakit sa lahat ng mas nangangailangan, ako pa? Ano'ng kapalit ang gusto niyang hingin?

Naglaho ang ngisi sa kaniyang labi at napalitan ng seryosong ekpresiyon. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki.

"I've done a lot for you. It's time for you to do what I want for me, Sin."

Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Pinilit kong lumunok. "Paano kung. . .ayaw kong umalis sa kompanya?"

Dumilim ang kaniyang ekspresiyon bago siya lumayo sa akin. "We have an event that you need to be prepare for the next few weeks. Maghanda ka," ani niya, inililihis ang usapan.

"Hindi ako aalis ng COST," pag-uulit ko.

Natigilan siya. Suminghap ako sa takot na baka kung ano'ng gawin niya sa akin.

"A-Ang ibig kong sabihin. . .ang sabi mo anim na buwan. May tatlong buwan pa naman akong natitira, at saka g-gusto kong masiguro na mangyayari ang gusto ko."

Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa akin, o kung nakikinig ba siya dahil muli niyang inilihis ang usapan sa mga sumunod niyang sinabi, "Either you leave the COST or not, you won't have a choice." Mataman niya akong tiningnan. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. "You're going to do what I'm going to ask you. Bilang kapalit para sa lahat ng ginawa ko para sa 'yo, hindi ba?"

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now