Kabanata 22

7.4K 158 19
                                    

Nakadapa ako sa higaan nang tumunog ang aking cellphone. Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa aking mukha at kinapa iyon sa table kalapit ng higaan ko. Dahil sa pagkaantok ay pinilit ko pang aninagin kung sino ang nagpadala ng mensahe.

Napabuntonghininga na lamang ako matapos mapansin ang pangalan ni Hayes.

Hayes:

You're still asleep? Wala ka pa raw sa opisina mo.

Matapos ang mga ginawa ko kagabi, tuluyan na akong nawalan ng gana na pumasok ngayong araw. Iniisip ko kung ano ang mukhang maihaharap ko kay Hayes matapos kong pagtangkaan ng masama ang kompanya at ang pamilya nila.

Kinagat ang pang-ibabang labi, iniisip kung magr-reply ba ako sa mensahe niya.

Sa huli ay naisipan kong magtipa.

Ako:

Puwede ba akong um-absent ngayon? Hindi lang maganda ang pakiramdam ko.

Akmang pipindutin ko na ang send button nang lumitaw ang pangalan ni Mr. Villason sa screen. Kaagad na nangatal ang mga kamay ko. Inatake ako ng kaba nang sandali kong pinindot ang accept button ng tawag. Ang kabog sa aking dibdib ay unti-unting bumibilis.

Hindi ko nagawang makapagsalita nang itapat ko ang cellphone sa gilid ng aking tainga.

"I was expecting that you did it according to our plan?"

Umawang ang aking bibig para sana makapagsalita, ngunit naunahan niya kaagad ako.

"But anyway, I'm pretty sure you did an excellent job, Miss Consuelo."

"Mr. Villason, I—"

"Huwag kang mag-alala, hindi naman ako ganoon kasama para hindi suklian ang ginawa mo para sa akin. Once I finally take some of the shares, asahan mong makakatanggap ka ng higit pa sa inaasahan mo. I'll see you soon, Miss Consuelo."

Nabitin ang mga kamay ko sa ere nang mabilis niyang pinatay ang tawag. Naiwan akong tulala nang ilang segundo. Alam ko na noon pa na tusong tao si Mr. Villason. Pinalagpas niya ang mga nalalaman nang dahil sa nagkaroon kami ng kasunduang dalawa, at ngayon tumaliwas ako sa kaniyang gusto. . . Alam ko na kung ano ang posibleng kahihinatnan ko.

Mabilis akong bumalikwas sa higaan bago tumungo sa bintana para ikandado iyon. Iniharang ko ang kurtina na naroon bago lumabas sa kuwarto at muling inikandado ang pintuan. Dumiretso ako sa kusina pagkatapos. Nagsalin ako ng tubig sa baso at diretsahan iyong nilagok dahil sa biglaang panunuyo ng lalamunan.

Naroon pa rin ang naghuhurumentado kong dibdib. Paano kung malaman ni Mr. Villason ang ginawa ko? Paniguradong hindi niya ako hahayaan na malayang maglakad sa kompanya nang hindi ako napatatahimik sa mga nalalaman tungkol sa kaniya.

Nanghihina ang mga tuhod kong napaupo sa upuan. Napahilamos ako sa aking mukha.

What have you done, Sin? Bakit kailangang humantong tayo sa ganito?

Sinipat ko ang aking cellphone at maagap iyong pinatay. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil isang linggo nang hindi nagpapakita si Vroxx, kaya't kampante ako na wala pa siyang alam sa kung ano ang nangyayari sa akin. Huli na noong nabasa ko ang mensahe niya sa akin noong birthday ni Klea na mawawala siya ng isang linggo dahil may kailangan siyang asikasuhin, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuwi.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon