Kabanata 26

7.1K 166 16
                                    

"Hayes—" Mistulang pinunit ang puso ko nang bigla siyang tumalikod at mabilis na naglakad paalis. Balak ko na sana siyang habulin, ngunit mabilis na nahagip ni Vroxx ang aking braso.

"Sin."

Bumaba ang tingin ko sa kaniya. May pagmamakaawa ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin, ngunit mas nanaig sa sistema ko ang hitsura ni Hayes matapos niya akong talikuran. He's hurt. He thought that I was lying to him all along. Suminghap ako, nagsisimulang mabuo ang bukol sa aking lalamunan.

"I'm sorry. . ." ipinilig ko ang aking ulo, "but I can't, Vroxx. . ."

Mabilis kong kinalas ang kamay niyang nakahawak sa akin bago ako nagmadaling bumaba ng stage, hindi pinapansin ang namumuong komusyon ng mga tao sa loob.

Wala na akong pakialam sa kung ano'ng isipin nilang lahat, o ang magiging reaksiyon ni Vroxx sa naging desisyon ko. Ang importante ngayon ay ang mahanap ko si Hayes at maipaliwanag sa kaniya ang nangyari.

Mabilis ang kabog ng puso ko habang hinahanap si Hayes sa bawat sulok ng hallways na madaraanan ko.

"Hayes!"

Tumakbo ako patungo sa elevator, ngunit kaagad din akong napahinto nang makita ko ang pagbaba ng numero niyon patungo sa ground floor. Paibaba na siya!

Imbis na hintayin pa iyon na makabalik ay tumakbo na ako sa may hagdanan. Muntik pa akong matalapid dahil sa takong na suot kaya't mabilis ko iyong inalis sa aking mga paa. Kakaibang takot ang namuo sa aking dibdib ngayong naiisip kong baka hindi ko siya maabutan.

Paano kong hindi niya ako pakinggan? Paano kung mapagtanto niya na nagkamali siya sa pagpili sa akin?

Sapo ko ang aking dibdib nang dumating ako sa ground floor. Habol ko ang aking hininga nang tumakbo ako patungo sa elevator, umaasa na maaabutan ko roon si Hayes. Nanlumo ako nang makitang bumukas iyon ngunit hindi siya ang bumungad sa akin. Suminghap ako at napaatras bago muling tinakbo ang daan patungong lobby hanggang sa makalabas ako sa building.

Saan siya pumunta?!

"Hayes!" Tumakbo ako patungong parking lot.

Doon ko siya nakitang papasok na sa driver's seat. Hindi ako nag-aksaya ng panahon na takbuhin ang distansiya patungo sa kaniya. Bago pa siya tuluyang makapasok ay mabilis kong hinuli ang kaniyang braso.

Malakas ang kabog ng aking dibdib nang hindi niya ako nilingon. "H-Hayes, magpapaliwanag ako. I-Iyong nakita mo—"

"Kaya ba ayaw mong ipaalam?" Tuluyan niya akong nilingon.

Nanlambot ang mga tuhod ko sa sakit na nakita ko sa kaniyang mga mata sa kabila ng katigasan ng kaniyang ekspresyon.

Ipinilig ko ang aking ulo. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at pilit na ipinaharap ang mukha niya sa akin. Nagsusumamo ko siyang tiningnan.

"N-No, h-hindi gano'n. W-Wala akong alam. H-Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Hayes, wala rin akong ideya na ganito ang dadaluhan ko, maniwala ka."

Nanatili ang mga malamig niyang mata sa akin. Parang pinipiga ang puso ko habang umaasa na maniniwala siya sa mga sinabi ko.

Tinabig niya ang aking kamay. Suminghap ako.

"Go back to your fiancé."

"H-Hayes, n-no—Hayes!"

Binuksan niya ang pintuan ng kaniyang sasakyan.

"Hayes, makinig ka naman sa 'kin o! H-Hindi ko gusto si Vroxx! Hindi ko alam na gano'n!"

Bumuhos ang mga luha ko nang pagsaraduhan niya ako ng pintuan.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now