Kabanata 29

8K 162 20
                                    

Tandang-tanda ko pa noon kung paano ako nagimbal matapos kong makita si Leandro; duguan ang damit, sa lapag ng bathroom floor si Andres na nakatihaya at naliligo sa sarili nitong dugo.

It was supposed to be a celebration of Andres' birthday. Kasama ko noon si Leandro. Pumayag si Lola Leonora noon, pero hindi ako pinayagan ni Leandro na pumunta na ako lamang. I was eating together with Morissa at ng iba pa naming kaklase, nang magpaalam ako sa kaniya na magbabanyo ako.

Akala ko kung ano'ng kalabog ang narinig ko sa boy's comfort room kaya't naisip kong sumilip doon, ganoon na lamang ang panlalamig ko sa aking nakita.

"A-Ano'ng. . ." Tulala ako nang lumapit sa akin si Leandro at mariin akong hinawakan sa balikat. P-Paano niya ito nagawa? Si Andres. . .wala ng buhay at puno ng saksak sa katawan.

"S-Sin. . . H-Hindi ko... H-Hindi ko. . . Sin, ayaw kong makulong! Ayaw kong makulong! Ano'ng gagawin ko? A-Ano'ng gagawin ko. . ." Mahigpit niya akong niyakap, ngunit mistula akong tuod sa puwesto ko para makagalaw pa, pilit pinoproseso ang pangyayari.

Si Leandro. . .nakapatay. Pinatay niya si Andres. Pinatay niya. . .

Mistula akong yelo na unti-unting natunaw sa aking kinauupuan. Nanginginig ang mga labi ko, nabibingi sa naghuhurumentado kong puso. Ni ang eksakto kong nararamdaman ay hindi ko maipaliwanag habang pinagmamasdan ko ang lalaking minsan kong minahal na may malawak na ngiti sa labi habang sinasalubong siya ng mga tao.

"Man, akala ko hindi ka tuloy?" tanong ng isang lalaking may hawig kay Nervana. Sa tingin ko ay ang nakatatanda niyang kapatid.

"Kuya Leandro!"

Nakita kong tumakbo papunta roon si Nervana na biglang nawala sa aking tabi.

Pinanood ko kung paano siya masiglang salubungin ng mga tao, na tila masyado silang sabik na makita ito matapos mawala nang mahabang panahon. Na tila wala itong maling ginawa. Na tila wala siyang taong pinaasa noon na babalikan niya sa galak na namamayani sa kaniyang mga mata.

Alam kong sinabi ko sa sarili ko na kung puwede ay kalimutan ko na lamang ang nakaraan at magsimula ng panibago. Na parang walang nasayang na taon. Na parang hindi ako nakulong sa apat na sulok ng rehas na iyon. Ngunit nang sandaling nakita ko siya, kung paano'ng nagagawa niyang tumawa nang ganoon habang may isang taong nagdurusa nang dahil sa kagagawan niya, muling sumisibol ang poot na matagal nang nakabaon sa aking dibdib.

"Can't come, huh?" Mula sa mga nakapalibot kay Leandro ay nasilayan ko ang pagdating ni Hayes. Nilapitan niya ang kapatid, nakita ko pa ang pagngisi ni Leandro bago nito tinapik ang balikat ng nakatatandang kapatid.

"I couldn't miss this event, you know. Isa pa, nabalitaan ko ang nangyari sa kompanya. I'll be staying here for a while, baka sakaling may maitulong ako."

Ngumisi si Hayes at napailing-iling na lamang. Aksidenteng nahagip niya ang mga mata ko. Kaagad na lumambot ang kaniyang ekspresyon.

Suminghap ako at umiwas ng tingin sa kaniya, nagsisimulang manikip ang dibdib. Alam kong importante ang event na ito para sa kaniya. Wala naman akong balak na umalis at iwanan na lamang siya basta rito, ang tanging inaalala ko lamang ay kung kaya ko pa bang magtagal dito gayong nandito si Leandro.

"Hey."

Tumunghay ako nang maramdaman ko ang paglapit ng kaniyang presensiya.

"Are you okay? Naghintay ka ba nang matagal sa akin?" Hinagkan niya ang panga ko at malamyos akong tiningnan.

Tipid akong ngumiti at umiling sa kaniya. "Hindi naman."

Ngitian niya ako bago niya hinuli ang aking kamay. "I'm gonna introduce you to my brother."

The Shattered Sinister (Costillano #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon