Kabanata 35

9.1K 205 36
                                    

"Thank you, Jury, for your service today. The court is adjourned."

Napaiyak si Mrs. Costillano sa aming gilid at napayakap sa asawa niyang si Sir Hedius matapos makapagdesisyon ang judge. Ako naman ay suminghap at mistulang nabunutan ng tinik na matagal na nakabaon sa dibdib ko sa loob ng mahabang panahon.

We did it. Hayes did it.

"No! No!"

Tumingin kami kay Vroxx nang kaladkarin siya ng ilang mga pulis paalis sa korte.

"You can't fucking imprison me! Attorney, do something!"

Panay ang pagpupumiglas nito sa aming harapan nang tumama ang namumula niyang mga mata sa akin. Nagulat na lamang ako nang mariin niyang hinawakan ang braso ko habang ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng pagmamakaawa.

"Sinclaire, you can't do this to me! You can't! Ibinigay ko sa 'yo ang lahat! How can you fucking do this to me?"

Mabilis akong inilayo ni Hayes sa kaniya habang naiwan naman akong tulala. Biglang bumalik sa alaala ko ang kababuyang ginawa niya sa akin noong gabi na iyon, na kung hindi lamang dumating si Carolina ay baka naituloy niya ang kaniyang binabalak.

"Ilayo n'yo na siya rito," utos ni Hayes habang ang kaniyang mga braso ay mariing nakapulupot sa aking baywang. Bahagya akong nakatago sa kaniyang gilid, pinoprotektahan sa posibleng paglapit sa akin ni Vroxx.

"Sin, please! Don't do this to me! Patawarin mo ako sa lahat! Mahal na mahal kita! H'wag mong gawin 'to! Sinclaire!"

Sinilip ko si Vroxx. Patuloy pa rin siyang nagpupumiglas sa dalawang pulis na kumakaladkad sa kaniya palabas. Muli akong suminghap nang makita ko kung paano nagsimulang mamula ang mga mata nito mula sa nagbabadyang mga luha.

"Sinclaire!"

Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa kabila ng paulit-ulit na pagtawag niya sa akin hanggang sa unti-unti iyong naglaho. Napahawak ako sa aking dibdib at napaupo sa isa sa mga upuan doon matapos maramdaman ang panlalambot ng aking mga tuhod.

Kaagad naman akong dinaluhan ni Hayes na umupo sa aking gilid at niyakap ako para halikan ang tuktok ng aking ulo. Isinubsob ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib, kumukuha ng lakas na pigilan ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata.

"Tapos na. Tapos na, Sin. He can't hurt you anymore."

He's right. It's all done. Ngayong mabubulok si Vroxx sa kulungan, hinding-hindi niya na ako malalapitan pa. Hinding-hindi niya na ako masasaktan pa.

Sa tagal kong naghanap ng sagot para maibsan ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko, ni minsan hindi ko na naisip na hindi paghihigante ang sagot sa lahat kung hindi ang hustisya.

Nasa ganoon kaming ayos nang mapabaling kami kay Sir Hedius ng tingin matapos itong makatanggap ng tawag sa kung sino. Nangungunot ang noo nitong sinagot ang tawag at sinimulang kausapin ang tao sa kabilang linya.

"Sino?"

Kumalas si Hayes sa akin. Tumayo siya at lumapit sa kaniyang ama. "What is it?" tanong niya, kunot ang noo at may pagtatakang nakabalot sa kaniyang ekspresyon.

Napahilamos si Sir Hedius sa kaniyang mukha bago ito muling nagsalita. "I understand. Babalik na rin kami r'yan," ani nito bago ibinaba ang tawag. May pag-aalala itong tiningnan ni Mrs. Costillano.

"Who called?"

"Sa kompanya. Nakita na nila kung sino ang ilegal na pinasok ang security ng COST."

Sa sinabi ni Sir Hedius ay kaagad akong napatayo sa aking upuan. Nakuha ko naman ang atensiyon nilang tatlo. May panghuhusga sa mga mata na tinapunan ako ng tingin sa ni Mrs. Costillano.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now