Kabanata 18

7.8K 172 32
                                    

May mga bagay talaga na sa huli mo lamang makikita ang halaga sa oras na wala na. Kapag ang isang mainit na kape napabayaan, lalamig at lalamig ito. Naroon ang tamis, ngunit wala na roon ang init.

Kung bakit minsan parati tayong kampante sa simula, na sigurado tayong tama ang mga desisyon na pinili natin kasi iyon ang sa tingin mo'y hindi ka mapapahamak, iyon ang sa tingin mo ay dapat. Gagawin ang isang bagay hindi dahil sa gusto, kung hindi kailangan. Ano naman kasing gagawin mo sa isang bagay na gusto mo lamang, ngunit hindi mo naman kailangan? Isang paniniwala na isa sa mga nagiging dahilan kung bakit madalas tayong humihingi ng mas higit pa sa kailangan lang. Kasi paano kung kailangan mo nga, pero hindi mo naman gusto?

Does fulfilling your needs give you satisfaction? No. It'll fill something that's lacking, but not contentment. Palaging may kulang.

Pero ang tanong: kailan mo ba malalaman kung gusto at kailangan mo na ang isang bagay? Kapag nasa harap mo na ba? O baka kapag nawala na?

"Sure na 'yan ha? I'm expecting na nandoon kayo. Three o'clock ang start ng party." Kaniya-kaniyang tango ang natanggap ni Klea mula kina Vince, Mabby, at Clark. Ilang araw na lamang kasi ay kaarawan na niya. "Sin."

Mula sa baso na aking hawak ay lumipat ang tingin ko kay Klea. May pagtatanong ang mga mata niya sa akin, mukhang naghihintay ng kasiguraduhan.

Tumango ako. "Pupunta ako."

"Great! Then it's settled." Pumalakpak pa siya matapos iyon, bakas ang galak sa kaniyang mga mata.

Bumalik ang tingin ko sa basong wala ng laman nang kinulbit ako ni Mabby. Katatapos lang namin mag-dinner, at pagkatapos nito ay out ko na. Nilingon ko si Mabby.

"Ayos ka lamang? Kanina ka pa wala sa mood," tanong niya matapos silipin ang mukha ko.

Isang tango ang isinukli ko sa kaniya bago ko narinig ang pagtunog ng aking cellphone. Nakaramdam ako ng kaunting galak sa hindi ko malamang dahilan. Kinuha ko iyon mula sa aking bag, ngunit nang makita ang mensahe mula kay Vroxx ay bumalik sa panlulumo ang mukha ko.

Masyado ba akong umasa na mula sa ibang tao ako makatatanggap ng mensahe?

Huminga ako ng malalim at binuksan iyon.

Vroxx:

Papunta na ako. Tapos ka na sa trabaho? Let's eat dinner.

"Nakabalik na si Attorney noong isang araw, 'di ba? Bakit parang hindi ko siya nakitang pumasok dito sa building simula pa kahapon?" si Mabby na bahagya kong ikinatigil.

Pinatay ko ang cellphone bago ako pumangalumbaba. Lumipat ang mga mata ko kay Vince na ngayon ay nasa akin at mistulang nanunuri.

"Baka nasa law firm? Parang wala nga siya r'yan sa kabilang building, 'di ba, Sin?" si Clark na may halong pang-aasar ang tuno. Nakaangat pa ang sulok ng kaniyang labi. Umirap ako sa kawalan na ikinahigikgik ni Mabby.

"Pa'no niya malalaman? Ni hindi pa nga yata sila nagkikita. Miss mo na ba, Sin?" paggatong ni Mabby.

Ngumiwi ako. "Tigilan n'yo nga ako. Parating na 'yong sundo ko. Kailangan ko nang umalis."

Kaniya-kaniya silang napa-o maliban kay Vince na seryoso lamang ang ekspresyon.

"May sumusundo na nga pala sa 'yo, at may naghahatid din. Sure ka hindi mo 'yon boyfriend?" si Klea.

Ngumisi ako at umiling. "Kaibigan ko lamang si Vroxx."

"Kasi para siya kay Attorney." Muli silang nagtawanan matapos iyon na inilingan ko na lamang.

Tapos na rin naman silang kumain kaya't hinayaan na rin nila akong umalis ng mga oras na iyon. Sa hagdan ako dumaan dahil nasa second floor lang naman ako. Nakailang buntonghininga yata ako bago narating ang ground floor sa pag-aakalang mababawasan ang bigat sa aking dibdib na dala-dala ko simula noong huling araw na nagkita kami ni Hayes.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now