Kabanata 8

9.2K 229 14
                                    

"You clean your own office?"

Umiling ako kay Vroxx matapos ko siyang papasukin sa loob ng opisina ko. Hindi pa nakatatapak ang mga paa ko sa loob nang lumipat ang mga mata ko sa pasilyo patungo sa opisina ni Sir Hedius. Naroon si Giselle at naghihintay sa pagbabalik ni Hayes.

"This is quite big."

Lumingon ako sa kaniya nang ibagsak niya ang sarili sa maliit na couch na naroon, katapat lang ng bintana.

Tumingin siya sa akin at nginisihan ako. "Tatayo ka lamang diyan?" tanong niya.

Wala sa sariling humakbang ako papasok, at imbis na isara ang pintuan ay hinayaan ko na lamang na nakabukas iyon. Naglakad ako patungo sa aking table at naupo sa aking upuan.

"Sigurado kang ayos ka lamang diyan? Magtatrabaho na ako," ani ko kay Vroxx. Pagkamangha ang kumurba sa kaniyang ekspresiyon dahil sa sinabi ko.

"Did I hear it right?" Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at naglakad papalapit sa puwesto ko. "You're taking your work seriously, Sin?" may bahid ng pang-aasar ang kaniyang boses.     

Kaninang umaga noong umalis ako sa apartment ay maayos pa naman ang pakiramdam ko. I never treated Vroxx coldy; it's always casual, ngunit hindi ko alam kung bakit ngayon ay tila ginapangan na ako ng iritasyon sa katawan.

Nagsalubong ang aking mga kilay nang sinimulan kong magtipa sa aking keyboard. "My plan is what I'm taking seriously, Vroxx. H'wag mong lagyan ng ibang kahulugan," diretso ang tingin sa monitor na saad ko.

"Well, it seems like you're enjoying working here, huh?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinutop na lamang ang aking bibig.

"At hindi ko binibigyan ng ibang kahulugan. Ayaw ko lamang na kalimutan mo kung bakit ka nandito."

"I found someone who might help me with my plan. Baka makausap ko siya ngayong linggo kung magkakaroon ako ng pagkakataon," paglilihis ko ng usapan nang sa gayon ay hindi siya mag-isip ng kung anu-ano.

At bakit niya naman naisip na nagugustuhan ko ang trabaho ko rito? Masyadong mabigat ang rason para tuluyan kong makalimutan kung bakit ako nandito sa lugar na ito.

Nag-angat ako ng tingin nang naramdaman ko ang paghaplos ng kaniyang kamay sa aking ulo. Isang ngisi at purong katuwaan ang nakita ko sa kaniyang mga mata.

"Good. I might drag you out of here if you do something. . .againts the plan."

Itinikom ko ang aking bibig bago ibinalik ang mga mata sa monitor. Ang kaniyang mga mata ay nanatiling nasa akin.

Vroxx is fine to be with, actually. At hndi ko maitatanggi na marami nga siyang naitulong sa akin para mawalan siya ng rason na singilin ako balang araw. And I hate it to admit that whenever he's threatening me, I feel terrified. Siguro dahil palagi siyang mabait sa akin, at kailanman ay hindi ko pa siya nakitang magalit.

Naiisip ko pa lamang na may bagay akong nagawa na ikagagalit niya, hindi ko na maiilitrato kung ano ang kaniyang magiging reaksiyon, ngunit hindi niya naman kailangang mangamba, dahil hinding-hindi ako tataliwas kahit na ano'ng mangyari.

Mga isang oras siguro siyang nasa opisina ko bago siya nagpaalam dahil marami pa siyang kailangang asikasuhin. Nagboluntaryo ako na ihahatid ko siya sa lobby, ngunit tumanggi siya, kaya naman hanggang sa may elevator ko lamang siya sinamahan.

"I'll see you when I see you."

Hindi ako tumango, at hindi rin naman ako nagsalita. Bumukas ang elevator sa aming harapan. Hindi ako nakagalaw nang naaninagan ko ang itim na sapatos na humakbang palabas doon. Naramdaman ko ang pag-alis ni Vroxx sa aking gilid, kaya't tuluyan akong nag-angat ng tingin. Naroon na naman ang kaniyang ngisi.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now