Kabanata 19

7.8K 188 20
                                    

Pinagmasdan ko ang kalendaryo sa aking harapan, sumunod ay sa labas ng bintana kung saan ko napansin ang ilang kumikinang na mga ilaw mula sa mga makukulay na palamuti. Sa sobrang dami kong iniisip pati ang petsa at buwan sa kalendaryo ay hindi ko na rin pala namalayan. Third week of December. Halos dalawang buwan na rin pala magmula noong pinasok ko ang COST.

Kung hindi pa ako inakit ni Klea sa kaarawan niya ngayon ay hindi ako mag-aatubili na tumingin sa kalendaryo. Malapit na ang Pasko at hindi ko man lang napansin ang araw na normal lang din para sa akin. Walang celebration, dahil wala naman akong pamilya na makasasama sa espesyal na okasyon na iyon. Sa ilang taon kong pananatili sa kulungan, nakalimutan ko na ang pakiramdam kung gaano kasaya ang Pasko noong mga panahong kasama ko pa si Lola.

Nakalabas man ako sa apat na sulok ng silid na iyon, ramdam ko pa rin ang lamig ng Pasko na kasing lamig ng rehas na pinanggalingan ko.

Huminga ako nang malalim at inayos ang light blue button top ko na pinarisan ko ng puting high waist pants at sandals. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok. Nag-apply rin ako ng kaunting make-up sa aking mukha bago kinuha ang aking sling bag pati na rin ang paper bag kung saan nakapaloob ang regalo ko para kay Klea.

Nai-text niya na sa akin ang address kaya't iyon lamang ang kailangan kong sabihin sa taxi driver. 2:30 p.m. nang umalis ako sa apartment, para eksaktong 3:00 p.m. ay naroon na ako.

Nasa biyahe ako nang makatanggap ng text kay Vroxx.

Vroxx:

Text me when you're done. Susunduin kita.

Halos dalawampung minuto siguro ang itinagal bago huminto ang taxi sa tapat ng isang hindi kalakihang tarangkahan. Hindi kita ang buong bahay dahil walang siwang ang gate na kasing taas ko. Tanging ang nahagip lang ng aking mga mata ay ang huling palapag nito na may cream at mint na pintura. Nag-doorbell kaagad ako nang tumapat ako sa may gate.

Ilang minuto ang lumipas nang may magbukas niyon. Bumungad kaagad sa akin si Klea na may malawak na ngiti sa labi.

"Sin! Salamat naman at dumating ka na."

"Happy birthday, Klea." Iniabot ko sa kaniya ang hawak kong paper bag na mas nagpalawak ng kaniyang ngiti. Isang spaghetti dress ang kaniyang suot na hindi lalampas sa kaniyang tuhod.

"Thanks, Sin. Halika, pasok ka. Ipakikilala kita sa boyfriend ko." Hinils niya ang braso ko. "Nasa likod ng bahay ang mga bisita, maunti pa nga lamang, kaya hindi pa nagsisimula ang celebration."

Nagpahatak ako sa kaniya hanggang sa malaya kong nasilayan ang kanilang bahay. Hindi iyon ganoon kalaki at dalawang palapag lang ang taas. Malinis din at maaliwalas tingnan.

"Miguel!" pagtawag ni Klea sa isang lalaking nahagip ng paningin ko na kalalabas lang ng kusina. May pagkamaputi ito at may katangkaran. "Si Sin, katrabaho ko."

Tumango ito sa akin at ginawaran ako ng matamis na ngiti. "Nice to meet you, Sin." Lumapit ito kay Klea at ipinulupot ang braso sa baywang nito.

"Sina Mama at Papa?"

"Nasa likuran, inaabyad ang ilang mga bisita."

Tumango si Klea bago ako tiningnan. "Tara sa likod? Nandoon na rin sina Mabby."

Sinunod ko ang gusto niya. Namayagpag ang ingay ng mga bisita nang lumapit kami sa may likod bahay. Roon ko na napansin na malawak ang bakuran nito kung saan ko rin nakita ang maraming halaman sa paligid. Parang pinasadya ang lugar para sa mga bisita sakaling may okasyon.

May mga mga malalaking tent sa tigkabilang panig pansangga sa sikat ng araw para sa mga bisita. May mga bilugan din na table at plastic na upuan. Sa gitna naman ay ang mahabang table kung saan nakapatong ang may kalakihang cake; may ilang pagkain na rin na nakalapag doon.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now