Kabanata 28

7.4K 161 19
                                    

"Ayos lang ako. H'wag mo nga akong tingnan nang gan'yan!" saway ko kay Hayes dahil sa talim ng kaniyang paningin habang nilalapatan ng bulak ang gilid ng aking labi ko.

Mas lalo lamang naman sumama ang timpla ng kaniyang mukha. "You're not going to expect me to calm down after what he did to you," mariin niyang saad. "Mapapatay ko ang gago na 'yon sakaling makita ko pa ang pagmumukha niya. He's fucking obsessed with you. Hindi mo ba 'yon napansin?"

Bumuga ako ng hangin at kinuha mismo ang bulak sa kaniyang kamay. Hinayaan niya naman ako. "May kutob na akong kakaiba sa kaniya noong una pa lamang, pero. . ." Malaki ang utang na loob ko sa kaniya kaya ipinagsawalang bahala ko iyon. Iyon sana ang balak kong idugsong, ngunit hindi ko na ginawa. "Pabayaan mo na lamang. Baka kasi inakala niya na hindi ko siya matatanggihan sa kahit na ano, dahil marami siyang nagawa para sa akin. He was there for me when no one could, Hayes."

Nagkatitigan kami. Tumagis ang kaniyang bagang at mariing ipinilig ang ulo. "Lilipat ka ng apartment."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Hayes—"

Matalim niya akong tiningnan. "Look what he did to you, Sin. Paano na lamang kung wala ako kanina?" Mahina siyang napamura. Ramdam ko ang panggigigil niyang sumabog sa galit kaya't kinuha ko ang kaniyang kamay upang pisilin iyon.

"Hayes. . ."

Lumambot ang kaniyang ekspresyon. Bumaba sandali ang kaniyang mga mata sa gilid ng aking labi bago muling bumalik sa aking mga mata. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi.

"I won't let him touch you again, Sin. Not after he hurt you."

May parte sa akin na ayaw sundin kung ano ang gusto ni Hayes, pero tama siya. Ngayong nagawa akong saktan ni Vroxx, hindi malabong gawin niya muli iyon sakaling bumalik siya rito sa apartment ko. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit hindi niya ako inilaglag kay Hayes nang tuluyan. But then, do I have to worry? Wala naman talaga akong ginagawang masama. I almost did, but I didn't.

Nakalulungkot lang isipin na kailangan pang humantong sa ganito ang lahat. I trusted Vroxx, at hindi ko akalain na kaya niya itong gawin sa akin. Mali ba ako sa parte na hindi ko pinaunlakan ang gusto niyang pagpapakasal kung iyon ang kapalit na gusto niyang hingin sa lahat ng ginawa niya para sa akin? Bakit ba kasi iyon pa ang gusto niya? Alam niya at alam ko kung ano ang estado ng relasyon naming dalawa, at hindi iyon puwedeng lumampas sa pagiging magkaibigan.

Papasok na ako sa lobby nang bigla kong nakasulubong si Vince. Kaagad na nanlaki ang mga mata nito matapos bumaba ang kaniyang tingin sa gilid ng aking labi.

"Sin, a-ano'ng—"

Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Ayos lang ako, Vince."

Bubukas pa lamang muli ang kaniyang bibig nang may isang pamilyar na babae ang sumulpot sa kaniyang likuran. "Vince, mamayang alas otso raw ang celebration."

Tumango si Vince rito bago dumako ang paningin sa akin ng babaeng nakasuot ng salamin. Mula sa maaliwalas nitong ekspresyon ay gulat ang rumehistro sa mukha nito nang makita ako.

"Ah, Sin si Mariechin. Ka-department ko," pakilala ni Vince.

Sandali kaming nagkatitigan ng babae. Naglahad naman ito ng kamay sa akin at matamis akong nginitian. "Hi. Ikaw 'yong secretary ni Sir Hedius, right? I'm Mariechin," pakilala nito.

Natagalan pa ako bago ko tinanggap ang kamay niya. "Sin. Sinclaire."

Muli siyang ngumiti sa akin nang matamis. "Baka gusto mong sumama sa celebration namin mamaya."

Sumulyap ako kay Vince na napakamot sa batok nito. "Na-promote ako bilang Internal Auditor matapos matanggal ni. . .Lizzie."

Bumilog ang aking bibig. "Talaga? Congrats! Susubukan ko mamaya."

The Shattered Sinister (Costillano #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt