Kabanata 34

9.3K 178 15
                                    

I was blinded by my wrath. That's for sure, hanggang sa punto na nakalimutan ko ng gamitin ang utak ko para makapag-isip sa kadahilanang napangunahan ako ng emosyon. I've been poisoned; shattered.

Ang sabi nila parating nasa huli ang pagsisisi, but I doubt it, dahil kung parating nasa huli, mawawalan ka na ng puwang pang tanggapin ang lahat.

Regrets are often place at the middle of the situation as we approach towards the end; acceptance.

Dahil kung habangbuhay kong pagsisisihan ang lahat, hindi ako matututong tumanggap o makapagsimula muli ng panibago.

"You'll get discharge soon, sa ngayon kailangan mo munang magpahinga rito nang ilan pang mga araw," ani sa akin ng doctor. Tipid ko naman itong tinanguhan bago tahimik na nagpasalamat.

Papalabas na ito ng silid nang namataan ko si Hayes na pumasok. Huminto siya nang makita ang doctor, may pag-aalala ang mga matang sumulyap siya sa akin bago ito sinimulang kausapin. Inilipat ko na lamang ang tingin sa bintana kung saan nagsisimula nang kainin ng dilim ang liwanag. Humangin nang kaunti dahilan para payarin ang ilang hibla ng aking buhok.

Bumalik ang tingin ko sa may pintuan nang narinig ko ang pagsarado niyon. Nagtama ang mata namin ni Hayes nang magsimula siyang maglakad palapit sa direksiyon ko. Umupo siya sa gilid ng kama bago nagparte ang kaniyang mga labi. Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. He looks terrified, worried, and frustrated. Hinuli niya ang mga kamay ko. Nababakasan ko ang pagdadalawang-isip niyang magsalita dahil sa pagbukas at pagsara ng kaniyang bibig, ngunit kalaunan ay nagawa niya rin na umimik.

"How...are you feeling?" Malamyos ang kaniyang mga mata habang sinusuri ang kabuuan ko.

Kaninang umaga lamang ako nagising, at bakas pa ang ilang pasa sa aking mukha, habang ang tiyan ko ay may mga tahi dahil sa mga balang tumama akin noong gabi na iyon.

"Ayos lang."

Bumaba ang tingin niya sa may bandang tiyan ko. Muling umuwang ang kaniyang bibig bago siya muling nag-angat ng tingin sa akin. "C-Can I see?" may pagdadalawang-isip niyang tanong. Nakita ko pa ang kaniyang paglunok.

Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. Umayos ako ng higa at huminga nang malalim bago ko naramdaman ang kamay niyang unti-unting iniaangat ang hospital gown ko. Ang mga mata ko ay nasa kisame nang marinig ko ang kaniyang pagsinghap bago niya marahang sinalat ang mga tahi ko roon gamit ang kaniyang mga daliri.

Hinayaan ko siyang pagmasdan iyon nang mapahinto ako matapos kong mapansin ang pag-uga ng kaniyang balikat.

Dinungaw ko siya.

Halos biyakin na lanang ang puso ko nang ipulupot niya ang mga braso sa aking baywang at niyakap ako nang mahigpit. Kumawala ang tahimik niyang mga hikbi habang nakasubsob ang mukha sa tagiliran ko.

"I'm okay, Hayes... I'm okay... I'm okay..." paulit-ulit kong banggit na halos bulong na lamang. Lumunok ako nang makaramdam ng bukol sa aking lalamunan. Mas humigpit ang yakap niya sa akin kaya't ipinulupot ko ang mga braso ko sa kaniyang leeg para ipahinga ang kaniyang ulo sa aking dibdib.

Wala siyang imik, pero sa paraan pa lamang ng mga hikbi niya, alam ko na kung gaano kabigat ang nararamdaman niya ngayon.

Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok habang tulalang nakatingin sa kisame.

Hearing his sobs breaks my heart. Nakita ko na siyang umiyak noon matapos mawala ni Leandro, ngunit kailanman hindi ko pa narinig ang kaniyang mga hagulgol. Ngayon lang... Ngayon lang... Nang dahil sa akin.

He must've been so terrified...

Hindi ko alam kung gaano siya katagal na ganoon lang ang ayos, mahigpit ang yakap sa akin na tila anumang oras ay mawawala ako sa kaniyang paningin.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon