Kabanata 32

8.9K 172 21
                                    

I should be happy. The COST is falling; Leandro's gone; Mr. Villason is nowhere to be found. Mga planong isinatupad ko noon na mas pinili kong tapusin na lamang sa halip na ipagpatuloy. I should be happy, ngunit ngayong nakikita kong unti-unting ibinabaon ang kaniyang kabaong sa lupa ay siyang pagkapunit ng aking puso.

Ang gusto ko lamang naman ay makagante, ngunit hindi sa ganitong paraan. Kung bakit kinailangan pang umabot sa ganito? Kung naging mas matalino pa sana ako sa simula pa lamang, pero may magbabago pa ba kung patuloy kong sisisihin ang sarili ko? Wala. Nangyari na. Hindi ko na maibabalik ang buhay ni Leandro, at ang mas masakit pa roon, ni hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad sa kaniya bago siya malagutan ng hininga.

Natigilan ako sa aking puwesto nang mula sa ilang metrong layo ko sa kanila ay napansin ko ang pagbaling ni Hayes sa aking direksiyon. His eyes are bloodshot; madilim din ang kaniyang ekspresyon, at sa kabila ng distansiya sa pagitan naming dalawa, hindi pa rin sa akin nakatakas ang pagluluksa sa kaniyang mga mata.

Napayuko na lamang ako at unti-unting tumalikod doon bago pa ako tuluyang makita ng iba pang mga Costillano.

Matapos ang nangyari, pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila. Ang dami kong pagkakamali na nagawa, at inaamin ko iyon. Wala ako ni isa kailangang itanggi.

Hindi ko alam kung saan pa ako dinala ng aking mga mata, basta natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa isang parke kung saan walang katao-tao. Nagsisimula pa lamang lumubog ang araw, ngunit sa dilim ng ulap ay mistulang gabi na.

Umupo ako sa isang duyan na naroon. It's been a week since Leandro's death. Nang gabi na rin 'yon ay natagpuan nina Hayes ang lokasyon ni Mr. Villason. I even heard that he abducted his own daughter pati ang isa sa mga private investigator ng mga Costillano. Wala sana akong balak na ibalita kay Hayes ang nangyari dahil nabalitaan ko na pati ang kaniyang pinsang si Horris ay nabaril at isinugod sa hospital matapos ang mangyari, but then I haven't any choice. Kapatid niya si Leandro, at may karapatan siyang malaman ang tungkol doon, at sa kasamaang palad, natakasan pa rin ni Mr. Villason ang mga pulis at wala pa rin mahanap na lead sa bumunggo kay Leandro. Hindi naman puwedeng si Vroxx lang ang ituro dahil wala pang sapat na ebidensiya... Ebidensiya...

Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang maaalala ko ang sekretaryang sinasabi ni Leandro. Panandalian iyong nawala sa isip ko dahil sa biglaan niyang pagkamatay. Nangako ako sa kaniya na hahanapin ko ang babaeng iyon. Nalaman ko naman na ang eksaktong lokasyon niya kaya't hindi na iyon magiging mahirap pa sa akin.

Balak ko na sanang lisanin ang lugar na iyon nang mapahinto ako sa biglaang pagsulpot ni Hayes. Blangko ang kaniyang ekspresyon habang matamang nakatingin sa akin. Naroon pa rin ang pamumula ng kaniyang mga mata hudyat na kagagaling niya lamang sa pag-iyak.

Walang salita akong lumapit sa kaniya at binalot siya ng yakap. Hindi siya kumilos nang ilang sandali, ngunit kalaunan ay pumulupot din ang kaniyang braso sa aking baywang. Bumagsak ang kaniyang mukha sa aking leeg at pilit na sumiksik doon. Tahimik, ngunit sa higpit ng kaniyang yakap ay ramdam ko ang itinatago niyang pighati. Hindi ko siya masisisi dahil nawalan siya ng kapatid.

Hindi ko alam kung matapos nilang mag-away noong gabi na narinig niya ang lahat ay nagkabati sila, o baka katulad ko ay hindi niya rin nagawang makipag-ayos kay Leandro.

"H-Hayes, kailangan ko munang umalis." Hinagod ko ang kaniyang likuran.

"T-To where are you going?"

"May kailangan lang akong asikasuhin."

"S-Sasama ako sa 'yo."

Kumalas ako sa kaniya. Hinawakan ko ang tigkabila niyang pisngi at masinsinan siyang tiningnan. "You need to go home with your family. Magpahinga ka muna, Hayes. Magt-text na lamang ako kapag nakauwi na ako sa apartment."

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now