Kabanata 6

9.8K 279 23
                                    

Abala ako sa pagsasalansan ng mga dokumento na papamirmahan ko kay Sir Hedius nang nakarinig ako ng katok sa labas ng pintuan ng opisina.

"Bukas 'yan!"

Bumukas iyon at bumungad sa akin ni Klea, sa kamay niya ay ang mga makakapal na folders. Umayos ako ng upo.

"Busy ka?" tanong niya nang dumako ang tingin niya sa lamesa.

"Medyo. May kailangan ka?" 

Sumulyap siya sa kaniyang hawak. "Ah, oo. Actually, kahit ako na lamang sana ang maghahatid nito, ang kaso ikaw ang initusan ni Attorney na ihatid ito sa opisina niya. Kung okay lamang?" bakas ang pag-aalinlangan sa kaniyang boses pati na rin sa kaniyang ekspresiyon.

Tumango ako at bumalik sa ginagawa. "Okay. Pakilapag na lamang diyan. Ngayon ko ba dadalahin?"

"It's up to you. Kung kailan wala ka ng gawa." Nagpasalamat sa akin si Klea bago siya nagpaalam na lalabas na.

Tumingin ako sa aking relo. Alas singko pa lamang naman ng hapon. Inayos ko ang nagusot kong itim na pencil skirt nang tumayo ako, pati na rin ang aking white button top na hindi na maayos ang pagkakarulyo hanggang siko.

Bago ako magtungo sa opisina ni Hayes ay inihatid ko muna sa opisina ni Sir Hedius ang mga dokumento na pipirmahan niya, pagkatapos ay bumalik akong muli sa opisina para kuhanin naman ang mga dokumento na ihahatid ko kay Hayes.

Bakit nga ba kailangang ako pa ang maghatid? Ah, sinabi niya nga pala na kailangan ko rin sundin sakaling may iuutos siya. Tss.

Nasa tapat na ako ng kaniyang pintuan at akma nang kakatok nang medyo nakarinig ako ng mumunting ingay sa loob ng kaniyang opisina. Nabitin ang mga kamay ko sa ere. Imbis na kumatok ay mas pinili kong idait ang aking tainga sa gilid ng pintuan.

"Am I supposed to be the one who should be telling you that? Ano na lamang ang sasabihin ni Mommy sa 'yo? Na pinapabayaan mo ako? Halos wala ka ng oras sa 'kin! Parati kang nandito sa opisina mo! And you didn't even want me to visit you!"

Mabilis kong inilayo ang tainga sa pintuan matapos kong marinig ang boses ng isang babae. Siguro ay girlfriend ni Hayes? Kinagat ko ang aking labi at nagdalawang-isip kung kakatok ba ako o hindi. Hindi ba ako makaiisturbo kapag ginawa ko iyon?

Umikot ang mata ko. So what, Sin? Siya ang nagpapahatid ng mga dokumento na kailangan niya. Ilalapag mo lamang naman sa lamesa niya, pagkatapos ay aalis ka rin kaagad.

Humugot ako ng hangin at kumatok nang dalawang beses.

"Come in."

"Seriously, Hayes? We're not done talking!"

Binuksan ko ang pintuan at sumilip nang kaunti. Unang dumapo ang mga mata ko sa babaeng nakasuot ng itim na tube dress, sa kaliwa niyang braso ay nakasabit ang itim na clutch na nagsusumigaw ng Louis Vuitton. Nakilala kong si Giselle Valderama iyon na bumisita rito noong nakaraang linggo.

Lumipat ang mga mata ko kay Hayes. Problemadong sinuklay niya patalikod ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Ang necktie na nakasabit sa kuwelyo ng kaniyang puting long sleeve ay wala na sa ayos, ganoon din ang pagkakarulyo ng manggas niyon.

Pareho silang nasa bungad ng lamesa,  magkatapat, kaya't ang plano kong ilapag ang mga dokumento ay tuluyang nawala sa aking isip. Bumaling ang kaniyang mga mata sa akin. Umawang ang aking bibig.

"Uh—"

"Don't leave. Stay there, Sin."

"What the hell, Hayes?"

Nilingon ako ni Giselle.

"Ano? Susundin mo itong boss mo? Can't you see we're talking here! Bastos ka?"

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now