Kabanata 38

9.5K 246 35
                                    

Isang katok sa pintuan ang nagbalikwas sa natutulog kong diwa. Humihikab akong lumabas sa kuwarto at pinagbuksan ang kung sino'ng nasa kabilang panig ng pintuan ng aking apartment. Nakusot ko ang aking kamay sa aking mata nang bumungad sa akin ang nakaunipormeng si Lorraine.

"Oh? Hindi ka pa bihis? Ang sabi ko sa 'yo kahapon sabay tayong papasok!" tanong niya sa akin bago niya ako sinipat mula ulo hanggang paa.

May pagkatataka ko siyang tiningnan. "Uh... Saan?"

Umuwang ang kaniyang bibig at hindi ako makapaniwalang tiningnan. "Duh! Nakalimutan mo na ba? Sa SII na ako papasok. Puwede kang sumabay sa akin since may sasakyan naman ako, unless gusto mong mag-commute na lamang?"

Sa sinabi niyang iyon ay roon ko lamang din tila napagtanto ang lahat. Oo nga pala, sa SII na rin siya papasok. Akala ko kasi talaga noong una ay nandito lamang siya para magbakasyon, turns out sinabi niya sa akin na sa kaparehong university ko na lamang siya papasok. I've known her for being a brat, mas pipiliin ang syudad kaysa sa probinsiya, ngunit nang sabihin niya sa akin ang rason kung bakit mas gusto niyang manatili sa lugar na ito, hindi ko naiwasan ang mamangha.

"Marami namang nakikipagkaibigan, pero karamihan ay dahil sa anak ako ng mayor. I just don't want to be friends with people just because my father has a position in politics. Pakiramdam ko ginagamit lang nila ako," she told me once.

True enough, she's kind of a hard-headed brat; madalas rin ay mainitin ang kaniyang ulo. And hearing those words come from her felt like I got something. Bakit kailangan niyang sabihin sa akin ang mga iyon gayong hindi naman talaga kami magkaibigan? She treats me like I am not years older than her—an annoying brat—but on the other hand, I realize that she's kind of rude for some reason, and that is to avoid the negative people who could possibly use her.

"Nga pala, kumusta iyong scholarship na in-apply-an mo? 'Di ba isa ka sa mga napili?" tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe. Siya ang nagmamaneho habang sa katabing upuan ako nakaupo. Ayon sa kaniya ay regalo ito sa kaniya ni Mayor noong siya'y nag-debut.

Nagkibit ako ng balikat. "Pinapapunta kami sa event hall next week."

Noong isang linggo lamang kasi ay nakatanggap ako ng email sa kanila na natanggap ang mga applications na pinasa ko at isa ako sa mga napiling bigyan ng scholarship. Lucky, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon kalaki ang ibibigay nila.

I wonder who's behind the program, though... She or he must be that wealthy.

Mula sa sulok ng aking mata ay nakita ko ang malawak niyang ngiti. She's really a mixture of hot and cold. Kapag nagtataray ay sobrang lala, at kapag natutuwa naman ay grabe kung ngumirit.

"Ikaw? Bakit hindi ka nag-apply?" Nilingon ko siya. Natagpuan kong ipinapalubo niya ang kaniyang pisngi.

"Tamad akong mag-abyad ng requirements," simpleng saad niya na umani ng mahinang tawa mula sa akin. Ibang klase. "At saka as if naman na matanggap ako ro'n e mayor si Papa. Para lamang iyon sa mga nangangailangan talaga, katulad mo," wika niya.

Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti dahil doon. Just then, I realized that she's fun to be with. Alam kong madalas ay umaandar ang katarayan niya sa katawan, but once you get to know her, you will slowly learn who she really is. A brat with a heart, or maybe it's her part of growing as a woman.

Kumabog ang dibdib ko nang sandaling makapasok kami sa gate ng university. Mukhang napansin iyon ni Lorraine kaya't mahina niya akong hinampas sa braso.

"Ayos ka lamang?" tanong niya.

Tiningnan ko ang mga estudyanteng nagkalat sa paligid. Freestyle ang suot ng karamihan na sa tingin ko ay mga freshmen. Napakagat ako sa aking labi. "Don't you think I'm way too old for this?" Alam ko naman na hindi na ako puwedeng umatras dahil nandito na ako, but seeing students' years younger than mine makes me nervous.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now