Kabanata 7

9.7K 228 15
                                    

"Parang madalas kitang makita na nagpupunta sa opisina ni Attorney a? Ano? Dala-dalawa boss mo?"

May ngisi sa labi na sinundot ni Mabby ang tagiliran ko. Muntik na tuloy akong mabilaukan dahil sa ginawa niya.

"Naghahatid lang ako ng mga dokumento na ipinapadala niya," paliwanag ko, dahil iyon naman talaga ang totoo. Sa mahigit tatlong linggo na pananatili ko rito, si Mabby ang palagi kong nakasasabay sa tanghalian.

"I know, nakikita ko nga. But does he have to always order you kahit na marami kang ginagawa? Puwede rin naman siyang mag-hire ng sarili niyang sekretarya." Kinagat niya ang pang-ibabang labi at may pang-aasar na tiningnan ako. "Type ka ni Attorney, 'no?" Isang impit na sigaw ang kumawala sa kaniyang bibig. "Oh my gosh!"

Umikot ang mata ko sa kaniya. "May fiancee siya, Mabby."

"Alam ko. Madalas kong mabalitaan na bumibisita 'yon palagi sa opisina niya. But then, who cares? Attorney might be against it. You know, uso ang arrange marriage sa mga mayayaman."

Umiling ako at hindi pinatulan ang kaniyang sinabi. Nagpatuloy ako sa pagkain, ngunit sa bawat pagsubo ng pagkain sa aking bibig ay siyang paglipad ng isip ko sa nangyari sa kaniyang opisina noong gabi na iyon. Hindi ko maiwasang alalahanin ang mga kataga na kaniyang binitawan; kung paanong ang kaniyang pamumungay na mga mata ay nagagawa akong tignan nang diretso; ang adorasyon ng kaniyang mga tingin; kung paano niya ako kulungin sa harapan ng kaniyang lamesa.    

Simula nang gabi na iyon, imbis na dumiretso sa opisina niya ay iniiwan ko na lamang sa front desk ng kaniyang building ang mga dokumento na kaniyang ipinapahatid.

Kung tutuusin, hindi dapat ganoon ang ipinapakita niya sa akin gayong may fiancee na siya, at kung hindi niya nga gusto ang ganoong arrangment, bakit hinayaan niya na matali kung ganoon?

Tss. At ano naman ngayon, Sin? Hindi ka pumunta rito para panghimasukan ang buhay niya. Hindi mo iyon kailangang problemahin. Kapatid siya ni Leandro, kaya't hindi malabo na maaaring parehas lang din silang dalawa.  

Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok bago kumatok sa opisina ni Sir Hedius. Ihahatid ko ngayon ang ilang mga bagong reports na kahapon ko lamang din tinapos.

"Sir Hedius?" pagtawag ko, ngunit walang sumagot. Marahil ay wala siya sa loob?
     
Pinihit ko ang seradura ng pinto at tuluyan iyong binuksan. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang si Hayes ang natagpuan ko sa swivel chair ng kaniyang ama, prenteng nakaupo at nakahukipkip habang marahang iniikot ang kaniyang kinauupuan.

Nang dumako ang kaniyang mga mata sa akin ay siyang pagkurba ng ngiti sa kaniyang labi.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Si Sir Hedius?" Kinalma ko ang sarili sa biglaang paghuhurumentado ng aking dibdib.

"Maraming inaasikaso. I'll be handling his position for a week."

"Oh," iyon lang ang nasabi ko bago inilihis ang mga mata sa kaniya. Naglakad ako palapit sa lamesa para ilapag ang mga papel na dala. Sa sulok ng aking mga mata ay ramdam ko ang paninitig niya sa akin.

"You didn't visit my office for a week. Palagi mong pinapaiwan sa front desk ang mga ipinapadala ko sa 'yo."      

"Maraming gawain, Attorney. Puwede ko namang iiwan na lamang sa front desk para ipabigay sa 'yo kaysa mag-akyat at baba ako sa hagdanan patungo sa opisina mo," diretso kong sagot nang hindi siya tinatapunan nang tingin.

"Napapaguran ka ba?"

Natigilan ako at hindi kaagad nakasagot. "Hindi naman, Attorney, pero kung wala ka ibang mautusan na puwedeng maghatid ng mga papeles, bakit hindi ka na lamang mag-hire ng sariling sekretarya?"

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now