Kabanata 20

8.9K 207 18
                                    

Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko nang naramdaman ang paggalaw ng kaniyang labi at ang pagyapos ng kaniyang mga braso sa aking baywang. Kung paanong ang kaniyang halik at mga haplos ay pinawi ang kakaibang guwang sa aking dibdib.

For years, being left alone in the dark, ngayon ko na lamang muling naramdaman ang pakiramdam ng tila lumulutang sa alapaap. Masakit sa dibdib ang malakas na kabog ng aking puso at ang pagpipigil ko sa sariling huwag umiyak, ngunit mas lalo lamang bumaha ang mga luha ko nang tuluyan kong ipulupot ang mga braso sa leeg ni Hayes, sinusuklian ang kaniyang mga halik.

I'm done thinking about which is wrong or right. Natatakot ako na sa oras na dalawin ako ng pangamba, muli ko siyang maitulak palayo hanggang sa siya na mismo ang unang tumalikod sa akin.
   
Umangat ang isa niyang kamay para hagkan ang aking pisngi. Ang kagustuhan niyang pagpartehin ang mga labi ko ay malaya niyang nagawa. I let him do what he wants as his tongue slides inside my mouth and showers me with his hot kisses.

Nang sandaling kinapos ng hininga ay huminto siya at hinagkan ang tigkabila kong pisngi. Ipinagdait niya ang mga noo naming dalawa. Ang kaniyang mainit na hininga ay tumatama sa aking pisngi bago niya pinahid niya ang mga luhang umagos doon.

"I'm sorry I made you cry. Are you mad at me?" may halong lambing ang kaniyang tuno.

Tahimik akong umiling at kinalas ang braso sa kaniyang leeg. Ipulupot ko iyon sa kaniyang baywang upang yakapin siya nang mahigpit. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa biglaan kong ginawa, ngunit nanatili akong tahimik.

Ayaw kong umimik o maglabas ng kahit anumang paliwanag. I just want him this close. I want him this near. Walang kahit ano'ng rason, basta gusto kong ganito lamang siya kalapit. Dahil baka kapag bumitaw ako, tuluyan niyang mapagtanto na hindi naman talaga ako karapat-dapat para magustuhan niya. Na baka iwanan niya rin ako. Na baka ganito lang sa simula. Na baka hindi na kami ganito pagdating sa huli.

Naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga bago niya ako niyapos. Hinalikan niya pa ang tuktok ng aking ulo.

"Do you want to go home? Ihahatid kita."

Bigla kong naisip si Vroxx. Siya kasi ang susundo sa akin ngayon. Ayaw kong punuin ng negatibo ang pag-iisip pagdating kay Hayes, ngunit sigurado akong kapag nalaman ni Vroxx ang nangyari ngayon ay hindi niya iyon magugustuhan. Ni hindi ko nga alam kung ano ang puwede niyang gawin.
  
Malawak ang paniniwala niya sa akin na hindi ako mahuhulog sa sarili kong bitag. Ayaw ko lamang na pati si Hayes ay madamay.

"Ayaw kong. . .umuwi."

"Gusto mong tapusin ang party?" tanong niya na hindi ko nagawang sagutin dahil ang totoo ay medyo nakararamdam na ako ng pagod.

Gusto ko nang umuwi at magpahinga, pero ayaw kong dumiretso sa apartment dahil baka magkita lamang kami roon ni Vroxx.

"Ayaw kong umuwi sa apartment."

Kumalas siya sa akin. Bumaba ang tingin niya at kunot-noo akong tiningnan. "Why? You're staying here for the whole night?"

Mataman niya akong tiningnan. Ako naman ay nabaon sa pag-iisip. Ayaw kong umuwi sa apartment, at wala rin naman kaming napag-usapan ni Klea na rito ako matutulog. Kung hindi ako uuwi sa apartment, saan ako matutulog kung ganoon?

I just want a break. A peace of mind. Iyong wala akong ibang aalalahin kung hindi ang ngayon. Bahala na ang mga susunod pang bukas.

Bumukas ang bibig ko. "Hindi ko alam. Basta ayaw kong umuwi sa apartment."

Yumuko ako para iwasan ang mga mata niyang may halong pagtatanong. Kung sasabihin ko naman na dahil iyon sa madalas si Vroxx sa apartment ko, baka iba naman ang isipin niya.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now