Kabanata 10

9.7K 212 23
                                    

Dinakip ng mga bouncers ang lalaking bumastos sa akin. May mga nakakita sa nangyari kaya't madaling naintindihan ng mga dumakip kung sino ang nagsimula ng gulo.

Nanatili ako sa harapan ni Hayes. Suminghap lang ako nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at salikupin iyon.

"Let's get out of here." Hinatak niya ako patungo sa kumpulan ng mga tao habang ang mga mata ko ay nanatiling nasa mga kamay naming dalawa.

Hindi pa rin humihinto sa pagkalabog ang puso ko, hanggang napansin ko na ang tinatahak naming daan ay patungo sa aming table.

Paano niya nalaman?

"Sin! Kanina ka pa namin hinahanap—" Biglang tumayo si Klea mula sa pagkakaupo sa sofa, kaagad na namilog ang bibig nang bumaba ang tingin sa kamay namin ni Hayes. "Oh. Hi, Attorney."

Napakurap-kurap ako at mabilis na inalis ang kamay ni Hayes na nakakapit sa akin. Tumikhim ako at naglakad na lamang patungo sa may sofa.

"Hi."

Ramdam ko ang kaniyang tingin na nakasunod sa akin.

"So it's true na nandito nga kayo. Kanina pa kasi nagkukuwento si Mabby na parang nakita niya kayo kanina. Ang sabi n'yo kasi ay hindi kayo sasama, Attorney."
   
Hindi ako nag-angat ng tingin at inabala na lamang ang sarili sa pag-upo at pagkuha ng inumin. Si Klea lamang ang nandito, ang tatlo siguro ay nasa dance floor pa.

"Nagkakayayaan lang kasama ang mga kaibigan. Can I. . .join?"

Sa sulok ng aking mata ay kita ko ang nagtatanong na tingin niya sa akin.

Tumawa si Klea. "Of course, Attorney! You're welcome here."

"Thanks."

Umayos ako ng upo nang naramdaman ko ang papalapit niyang presensiya. Napaangat ako ng tingin.

"Can I sit beside you?" tanong niya, at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang magpaalam gayong sobrang lawak naman ng espasyo.

Tinutop ko ang aking bibig at tahimik na tumango sa bago muling yumuko. Lumubog ang kanan kong bahagi nang umupo siya roon, isang pulgada ang layo sa akin.

"Paano 'yong mga. . .kaibigan mo?" Sumulyap ako sa kaniya at kaagad ding umiwas nang nasalubong ang kaniyang tingin. "Hindi ba sila magagalit na nandito ka?"

Hindi pa rin ako makahuma sa nangyari kanina. Sa tuwing naiisip ko iyon ay siyang pagkabog naman ng aking dibdib at ang pagkiliti ng kung ano sa aking tiyan.

"It's fine. I already told them I was going to see someone anyway."

Napukaw ang atensiyon ko sa sinabi niya kaya't tuluyan ko siyang nilingon. Ang maririin niyang mga titig ang sumalubong sa akin, at kung nakakatunaw lamang iyon, malamang ay kanina pa ako nalusaw.

Tikhim ni Klea ang nakapagputol sa aming titigan. Mabilis akong lumihis. Kung bakit nakalimutan ko na may kasama kami!

"Hanapin ko lamang 'yong tatlo. Baka kung ano na ang nangyari ro'n. Maiwan ko muna kayong dalawa, Attorney."

Tumango si Hayes. Nang nakaalis si Klea, imbis na humupa ang kabang nararamdaman ko ay mas lalo lamang iyong naragdagan. Kami na lamang ni Hayes ang naiwan! Dapat pala ay sumama ako kay Klea sa paghahanap, pero masyado namang awkward kung iiwanan ko rito si Hayes nang mag-isa.

Huminga ako nang malalim. "Hindi ba magagalit ang fiancee mo na nandito ka?" At nambababae?

"Si Giselle?"

Bakit? May iba ka pa bang fiancée bukod kay Giselle. Umirap ako sa loob-loob ko at pinigilan ang sarili na sabihin iyon.

"She's not my fiancée anymore, Sin. I canceled our engagement last week."

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now