Chapter 6: Botanical Garden

2.8K 18 8
                                    

Chapter 6: Botanical Garden


Kinaumagahan, pumasok ako ng magaan ang pakiramdam, kumpleto ang tulog at pahinga. Habang naglalakad sa hallway ay nakatingin ako sa labas, sa direksyon ng papunta sa botanical garden, lugar kung saan nagsimula ang lahat sa amin ni Johan. Pero may isang puno ang kumukha ng atensyon ko, may kahawig kasi ang puno na sinasampahan ni Marion noon, noong araw na 'yon ko lang napansin yung punong 'yon. Hindi ko na kasi inaalala pero nung nakwento ko kay Rica, naungkat ang lahat. Hay nako.


Pagkapasok ko sa room ay iilan pa lang kami. After ilang minuto, dumating na sila, maging ang professor namin. Nag-start na ang klase pero wala pa si Rica. At matapos ang ilang sandali, dumating si Rica, hingal na hingal.


"Okay ka lang ba? What happened?" tanong ko na may halong pag-aalala..


"Yup. I just.. I woke up late. Si yaya Eden kasi."


"Bakit? Maya na natin pag-usapan ha."


"Wala, okay lang me. We'll listen first."


After ng klase namin, niyaya niya akong kumain sa labas. It's already past 9:00am na noon at ang next class namin ay 9:30am. Gustuhin ko mang kumain ay hindi pwede, kaya nagkakwentuhan na lang kami sa hallway. Habang nakain ng chichiryang dala-dala ko.


"Sissy. Have you seen your boyfie already?"


"Hindi pa nga eh. Alam mo namang hindi uso text sa amin eh."


"Eh bakit kasi hindi pa siya nag-shift ng course ng tulad sa atin?"


"Nako, hindi ko alam."


"Parang ang hirap tuloy sa isang subject lang kayo magkaklase lang."


"Eh. Hayaan mo na."


"Okay, Sissy. How I wish kapag nagka-bf ako. Yung ideal man ko." sabay tingin ni Rica sa malayo..


"Ano yan, sissy? May nakita ka na?"


"Yung gwapo, mataas ang respeto sa akin tsaka matalino.."


"Bakit ayaw mo kay Yosh?" pagbuyo ko..


"Sinong Yosh? Yung kaklase natin?"


"Oo. Marespeto tsaka matalino."


"Hmf! Chaka naman non sissy, super nerd?" paismid ni Rica..

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now