Chapter 3.6: Ang Nakaraan ni Monday (part 4) - Panalangin

3.2K 30 9
                                    

Chapter 3.6: Ang Nakaraan ni Monday (part 4) – Panalangin


Hinawakan niya ang dibdib niya, unti-unting napaupo. Napansin agad ito ni Monday.


"Marion?"


"Marion????"


At bumagsak si Marion sa balikat ni Monday.


"Marion? Okay ka lang ba??" pangamba ni Monday..


"O... o.."


"Huwag ka muna magsalita." patuloy ni Monday..


"Ms. Ramirez? Ano nangyayari dyan?" singit ni Sir Chan..


"Itu...."


At bumagsak si Marion sa sahig, nagsusumigaw sa sobrang sakit habang hawak nito ang kanyang dibdib.


"Tawagin niyo ang school nurse natin!!" sigaw ni Sir Chan..


Pagkarating ng school nurse ay agad itong nagpatawag ng ambulansya dahil sa sakit na nararamdaman ni Marion. Itinakbo nina Monday at Sir Chan si Marion sa ospital. Habang nasa ambulansya, habang tinitingnan at nagdadasal si Monday ay kinausap ito ni Sir Chan.


"Ms. Ramirez.." pabulong ni Sir Chan..


"Sir?" sagot ni Monday na walang kasiguraduhan..


"Matagal na kayong magkakilala ni Mr. Asecas?"


"Opo, sir.."


"Since when?"


"Simula pa po nung bata kami."


"Ahh. Magkaibigan lang ba talaga kayo?"


"Opo. Bakit po?"


"Wala naman."


"Masyado kasi kayong close, napansin ko lang."


"Eh kasi sir, siya lang po yung kaibigan ko nung bata pa kami."


"Kahit anak siya ng.."


"Opo. Hindi niya pinaramdam na anak siya ng Gobernador natin. Gusto niya po tratuhin ko siya bilang simpleng bata lang din. Ayun po."

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now