Chapter 3.3: Ang Nakaraan ni Monday - Halik

3.6K 24 24
                                    

Chapter 3.3: Ang Nakaraan ni Monday – Halik


"Aminin mo! Gutom ka rin!" makulit na sabi ni Rica..


"Hala. Hindi naman eh!" sagot ko sabay dila..


"Teka, hanap na ako ng DVD!" sagot ni Rica habang papunta sa isang cabinet..


Nang binuksan niya yung malaking cabinet ay nagulat ako, kasi sobrang daming DVD ang nakita ko. Pagkabukas ko ng ilaw ay sumalubong sa akin ang sandamkmak na DVD.


"Oh Monday, subukan mo rin kayang maghanap?"


"Sige." sagot ko sabay punta kung nasaan si Rica..


"Ano bang gusto mo? Hmm. Horror?"


"Hala? AYOKO!"


"Bakit? Duwag ka 'noh?" pang-aasar ni Rica..


"Hindi ah! Ayoko lang talaga."


"Love story na lang para nakakakilig!" patuloy ko..


"Nakakakilig din naman ang horror ah?"


"Weh?"


"Kikiligin ka sa takot!" dugtong ni Rica sabay tawa..


"Last mo na 'yan." sagot ko sabay dila..


"Ayan! May nakita na ako!" sigaw ni Rica sabay taas ng DVD..


"Ay! Ano 'yan?"


"Basta. Maganda 'to."


"Balik ka na sa kama, ayusin ko na muna 'to." patuloy ni Rica..


"Okay, sige."


Habang inaayos niya ang DVD ay may kumatok sa pintuan.


"Ma'am!"


"Sino 'yan??" tanong ni Rica habang kinakalikot ang DVD player..


"Heto na po yung mga pagkain."


"Yay! Sige! Pakipasok na, Yaya Eden!" masiglang sagot ni Rica..


Nakatunganga lang ako nung mga sandaling iyon, madami nga talaga ang hiningi ni Rica. Habang pinapasok ang mga pagkain ay unti-unti akong natatakam pero hindi ko pinapahalata.

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now