Chapter 70: Dedbat

642 6 0
                                    

Chapter 70: Dedbat


Lumipas ang isang buong maghapon ng wala ng Ate Anne at Jepoy sa kwarto. Kami na lamang ang naroon. Namiss ko bigla ang pagiging makwento ni Ate Anne at maging ang mga pambobola ni Jepoy sa akin. Panaka-naka ang pagtingin ko sa sulat na binigay nito sa akin kasi napapangiti ako sa tuwing nakikita ko 'yun. Ewan ko ba. Ngunit sumasagi pa rin sa isipan ko yung kinuwento sa akin ni Jepoy na totoo ngang narito si Marion sa lugar namin. Bakit siya bumalik rito sa Tarlac? Ano kayang nakasulat sa papel na pinakita nito kay Jepoy? Ang buong akala ko ay nasa ibang bansa na sila pero bakit narito pa siya. Hay, ang gulo. Pero sana, may maganda siyang dahilan dahil sa mga napapabalitaan namin na nabaon sila sa utang at maraming tao ang galit sa pamilya nila ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganun ang mangyayari sa kanila at pagkakatanda ko ay gustong-gusto ng tao ang kanyang ama pero tama nga ang sabi nila, nagbabago talaga ang tao. Walang permanente sa mundo. Oo, marahil ay gusto ka nila ngayon pero paglipas ng panahon, mawawalan sila ng interes sa'yo at tatalikuran ka rin nila.


Kinagabihan ay umuwi muna kami ni nanay at sina tita Lisa at tita Nessa ang nagbantay kay tatay. Sabi ng doktor sa amin bago kami umalis ay bumubuti na raw ang kalagayan ni tatay at isa sa mga araw ngayon ay makakalabas na siya at maiuuwi na na rin namin siya sa bahay. Hindi kina tita Lisa kung hindi sa mismong bahay namin. Ang tagal na rin kasi magmula noong huli kong nakita si tatay sa bahay namin, ang tagal na rin noong huling gising ko na sila ang unang sasambulat sa paningin ko at sila ang unang babati sa akin ng, "magandang umaga, Munde!". Nakakamiss. Pero konting tiis na lang dahil mangyayari na ulit 'yun.


Lumipas ang magdamag ng payapa at nakatulog ako ng mahimbing. Dahil kinabukasan ay marami kaming gagawin. Magsisimba at gagawin ang mga gawaing bahay na natengga dahil sa pagbabantay kay tatay.


Linggo ng umaga, tapos na kaming kumain ng almusal ni nanay. Naghuhugas na ako ng mga pinagkainan ng biglang may binilin si nanay sa akin.


"Nak, pagkatapos mo riyan ay maligo ka na rin agad ha."


Napatingin ako kay nanay at.


"B – bakit po?"


"Anong bakit ka dyan, magsisimba tayo. Linggo ngayon, nak. Nakalimutan mo na ba?"


"Ayyy."


"Oo nga po pala, nakalimutan kong Linggo na po pala ngayon. Sige po 'nay, tapusin ko lang 'to."


Pagkatapos kong maghugas ay naligo na ako at nagbihis. Dumiretso na kami sa simbahang katoliko sa bayan namin na isa sa mga bumuo ng kabataan ko. Dahil dito, lumago ang espiritwal kong pagkatao at nakilala ang ating Panginoon. Pumasok na kami sa loob, bumungad sa amin ang maraming tao na nagsisimba rin. Karamihan ay palabas na dahil tapos na ang unang misa. Swerte namin dahil sa may bandang gitna kami nakaupo.


Magsisimula na ang misa ng may mapansin si nanay sa akin.


"Nak, bakit parang 'di ka mapakali? Anong meron?"


Napansin ni nanay na palingon-lingon ako sa paligid.

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now