Chapter 3: Tamang Hinala (TH)

3.7K 27 10
                                    

Chapter 3: Tamang Hinala (TH)


Kinaumagahan ay nagising ako ng masaya at hindi pa rin maka-get over sa mga pangyayari kahapon. Pagkatayo ko ay humarap ako sa salamin.


"Nananaginip lang ba ako?"


Kinurot ko ang pisngi ko at.. Aray, totoo nga ang lahat ng mga nangyari. Nag-ayos ako ng buhok at nang pababa na ako ay may narinig akong tunog.


Nilapitan ko ang cellphone ko at nakita kong nag-text si Johan.


"Good morning :)"


"Bakit ang aga mo nagising?"


"I didn't sleep."


"Oh? Bakit?"


Bumaba ako ng may halong pagtataka kasi hindi na nag-reply si Johan agad. Habang kumakain ako ng almusal ay tumunog ulit ang cellphone ko.


"Kasi, binantayan kita magdamag."


Nagulat ako sa narinig ko, binantayan niya ako? Eh wala nga siya sa kwarto ko kagabi eh.


"Binantayan?" reply ko sa kanya..


"Yup. Baka kasi pagkagising mo, hindi mo na ako love :("


"Nye. Haha."


"Haha. Kitakits na lang sa campus. Take care!"


At hindi na ako nag-reply after nun, naligo na ako at nagbihis. Habang nagsusuklay ng buhok ay nakita ko ang box ng basurang kayamanan ko, binuksan ko ito at tiningnan. Napangiti ako.


"Si Johan talaga." bulong ko sa sarili..


Habang nasa jeep ako ay nag-text ulit siya sa akin.


"Hello. Papasok ka na ba?"


"Oo. Ikaw?"


"Same. Nasaan ka ngayon?"


"Nasa jeep po."


"Anong kulay ng jeep na 'yan?"


"Uhm. Color red na may silver? Teka, bakit?"


"Bumaba ka."

One Hundred Days (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin