Chapter 1.14: First and Last (One Hundredth Day)

3.8K 30 8
                                    

Chapter 1.14: First and Last (One Hundredth Day)


Pagkauwi ni Johan ay kumain ito, nakipagkwentuhan sa kanyang mga magulang.


"Son. napansin ko these past few days eh, hindi ka naka-uniform. Napasok ka pa ba?"


"Uhhm. Yeah, I just don't feel wearing my uniforms." sagot ni Johan..


"Onga naman dear, hayaan na natin siya." singit ni Mrs. Richards..


Pagkatapos nilang kumain ay pumunta na ito sa kanyang kwarto at kinuha ang gitara, nagpraktis ito para sa binabalak niya bukas. Lumipas pa ang ilang oras ay matagumpay ang pagpapraktis nito. Binaba niya ang kanyang gitara sa isang tabi, kinuha ang libro sa isang gilid. Binuksan niya ito ang sinimulang isulat lahat ng nangyari magmula noong unang araw na nakilala niya si Monday hanggang sa puntong iyon. Pagkatapos ay tiningnan niya ang dictionary na binigay sa kanya ni Monday, napabuntong hininga ito.


"Hmmmm, maybe hindi na kita kailangan."


Pagkatapos ay nilagay niya ang cellphone sa isang kahon. Napangiti ito kasi bigla niyang naalala ang lahat ng adventures at hirap na hinarap niya bago niya makuha ulit ang basurang kayamanang iyon. Lagpas na ng alas onse ng gabi nang matapos niya ang dapat maayos. Humiga na ito at nakatulog siya ng may mga ngiti sa labi. Kinaumagahan ay nagising ito ng maaga. Agad na inayos ang higaan at bumaba.


Habang pababa ay masaya nitong binubulong sa sarili na.


"At last. This is the day!"


Agad itong umupo sa kanyang paboritong silya sa kanilang sala. Nagulat si Mrs. Richards dahil tuwang-tuwa si Johan at parang sabik na sabik ito.


"Dear, bakit parang ang saya mo?"


"Yeah? Hindi naman po." pabirong sagot ni Johan..

"Dear, kilala kita. Hindi ka magkakaganyan ng walang reason."


"Ha - ha -ha. Mom talaga."


Pagkatapos nilang kumain ay hindi muna ito naligo, bumalik ito sa kanyang kwarto at nagpraktis ulit. Alas siyete ng umaga na nang matapos ito, naligo siya, nagbihis at nagpagwapo. Pagkatapos ay inilagay na niya ang dictionary at ang kahon sa kanyang bag. Dali-dali itong pumunta sa kanyang kotse para ilagay ang pinakamamahal niyang gitara.


Habang nagda-drive papunta sa kanilang campus ay tinext niya ang bestfriend niya.


"Shana! Today is the day :)"


"Okay. Good luck Johan, huwwag kalimutan ang tinuro ko ha? :)"


Hindi na siya nagreply kasi sapat na sa kanya yung naresib niyang suporta mula kay Shana. Agad nitong tinext si Sir Albie sa mangyayari, pinaalalahanan nito na may gagawin siyang surpresa at agad itong sumagot ng oo at susuportahan siya nito. Pagkarating nito sa kanilang campus ay pinark na niya nag kanyang kotse at habang nasa loob.


"Kaya ko 'to, I can do this."


Halatang kinakabahan si Johan. Bumaba na ito at nagsimulang maglakad papunta sa room nila. Pasado alas otso na noon nang makarating siya sa tapat ng room nila. Dala niya ang kanyang bag at gitara.


"Lord, kayo na pong bahala sa akin."


At sinimulan na nitong maggitara sa labas ng room, kinabit niya ang isang earphone para hindi siya mawala mamaya sa beat.


"Nabuhay muli ang damdamin, nang magtagpo ang landas natin. Kay tagal nating 'di nagkita. Binibining kay ganda, kumusta ka?"


Pumasok na siya sa room, nagulat ang lahat sa nakita nila.


"..Kung dati'y 'di ko nagawa ang magtapat, ngayon handa na kong gawin ang nararapat.."


Habang papalapit kay Monday ay tahimik ang lahat, tila gusto nilang masaksihan ang nangyayari.


"..Hindi ko na palalampasin ang pagkakataon upang sabihin na mahal na mahal kita.."


Nasa harapan na siya ni Monday, habang patuloy ang pagtugtuog niya ng gitara ay.


"Nice to see you, again." sabi ni Johan..


Napaiyak si Monday sa narinig niya.


"Pinag-alala mo ko!!!" pasigaw na sabi ni Monday..


Ngumiti lang si Johan. Binuksan nito ang bag niya at inabot ang kahon. Inabot niya kay Monday at nagulat siya sa nakita niyang laman.


"Pero paano???" tanong ni Monday..


"I've decided to leave just to find the one who took that away from you." sagot ni Johan habang nilingon si Sir Albie..


Mas napaiyak si Monday sa narinig niya, pero may kinuha ulit si Johan sa bag niya.


"Here's your dictionary. Hindi ko na siya kailangan." dugtong niya..


"Bakit? Binigay ko na sayo 'yan. You should keep it na." pahikbing sagot ni Monday..


"Kasi, you gave more meaning to my life."


"And one more thing."



"Today is the 100th day since I met you. And I want to end things up right now." dugtong niya..



"H - h - ha?? B - b - bakit??.." pahikbing sagot ni Monday..



Binaba ni Johan ang gitara niya at lumuhod ito sa harapan ni Monday..





"Because I want to start the first day of my forever, with you."


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now