Chapter 12: Finals Week

2.5K 21 2
                                    

Chapter 12: Finals Week


Maaga akong natulog ng gabing 'yun, kasama ang iniwang mga hula ni Rica. Sana hindi siya makaapekto sa exams ko. Sana.


Finals Week. Isa sa mga pinakamahirap na sandali kasi kasabay nito ang cover to cover na exams at sandamakmak na projects. Kabi-kabila rin ang paggawa namin. Hindi muna uso ang lovelife ngayon, pero syempre hindi ko kakalimutan si Johan ko 'noh.


Habang naggawa kami ng requirements sa bahay ng kaklase ko, nagtext bigla si Johan.


"Ihahatid kita pauwi ha."


"Ay. Huwag na! Mag-focus ka muna sa pag-aaral."


"But.."


"No. Malapit lang din naman 'to sa amin eh."


"Oh, okay. Be safe. I love you."


"I love you too."


"Nako, ka-text mo nanaman yang kano mong boypren!" bulyaw ng kaklase ko..


"Maka-kano naman 'to! Che!!"


Nagtawanan ang iba kong groupmates.


"Buti natitiis niyang hindi kayo magkita kapag exams?" tanong nito..


"Ah. Tinitiis. Kailangan mag-focus eh."


"Bakit naman?"


"Para hindi mapabayaan ang studies namin. Kasi gusto ko mabigay buong atensyon ko sa pag-aaral at maging siya, para may maipagmalaki kami at hindi lang basta nagmamahalan na katulad ng iba." sabay ngiti ko..


"Kakaiba ka talaga, Monday."


"Hala? Normal din ako 'noh! Wala kaya akong buntot." biro ko..


"Hindi 'yun! Kasi, tingnan mo. Kaya mong disiplihanin ang sarili mo maging ang boyfriend mo."


"Ah. Ganun naman dapat talaga eh, diba?"


"Siguro?"


"Bakit siguro lang?"


"Eh hindi pa ako nagkaka-boypren eh?"


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now