Chapter 9: Kabado

2.8K 25 4
                                    

Chapter 9: Kabado


Sabado. Medyo maaga ako nagising, 10:00am pa pasok ko pero 6:00am pa lang nun. Kaya naglinis muna ako ng bahay ng Tita ko. Noon na lamang ako nakapaglinis ulit kasi busy sa pag-aaral eh.


"Aba. Ang aga mo nagising ah?"


"Ay. Good morning Tita! Hindi ko din po alam eh." sagot ko, habang nagwawalis..


"Mabuti yan, magsaing ka na rin. Ako na magluluto ng ulam." sabi ni Tita..


"Okay po."


Pagkatapos kong magwalis at maglampaso ng sahig ay nagsaing naman ako. Medyo makalumang style ang pagsasaing sa amin kasi hindi uso ang rice cooker sa amin eh. Habang hinihintay kong mainin ang kain ay nasa kusina rin si Tita, nagluluto naman ng ulam.


"Parang masaya ka na naman, Monday ah?"


"Hala. Hindi po ah."


"Hindi? Eh nginingitian mo yung kaldero? Ano ka, nabaliw na?"


"Hindi naman po. Kasi.."


Ayun, napakwento ako sa kung anong nangyari kahapon kina Johan. Nagulat nga ako kasi hindi naman ako pala-share sa kanila, lalo na kay Tita. Nakakatuwa nga kasi siya pa yung kinikilig nung kinukwento ko.


"Oh? Grabe naman pala yung boyfriend mo Monday!!" sabay palo sakin..


"Aray Tita! Grabe ka naman."


"Bat hindi mo siya dalhin dito?"


"Si Johan po?"


"Oo! Sino pa ba? Dito na kayo mag-lunch mamaya."


"Talaga po?"

"Oo nga. Para naman makilala ko at mahusgahan kung gwapo talaga."


"Tita!!"


"Joke lang. Pero dumiretso kayo dito after class nyo, pagluluto ko siya."


"Ah.. Eh. Sige po."


Natuwa ako nung pagkakataong yun, kahapon sa kanila. Tapos ngayon? Samin naman.


9:00am. Tapos nakong magbihis at mag-ayos, papunta na ako sa school. Habang nagsusuot ako ng sapatos sa tapat ng pinto namin.

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now