Chapter 30: Waiting for Forever

2.1K 7 0
                                    

Chapter 30: Waiting for Forever


Nauna kaming bumaba ni Johan, tsaka bumaba si Rica na halatang naiinis at si Lotty na sobrang kinikilig. Pumasok na kami na kasama si Marion. Malaki ang bahay nila, as I expected. Naglakad kami papunta sa loob. Pinatigil muna kami nito sa kanilang sala.


"Guys, dito muna kayo. Papaayos ko lang ang guest room namin."


"Sige lang, take your time." sagot ni Johan..


Pagkaalis ni Marion, nakaupo kaming apat. Pinagmamasdan ko yung kabuuan ng bahay nila at parang..


"Parang pamilyar ang bahay nila.." bulong ko..


"Ano problema, sissy?"


"W - wala naman.."


"Ah. Hindi ka ba naiilang, sissy?"


"Hindi naman, nandito naman kayo ni Johan eh." pangiting sagot ko..


Habang nag-uusap sina Lotty at Johan, tumayo ako at nag ikot-ikot. Tinitingnan ko ang mga painting na naka-display sa pader nila.


"Sissy." sabi ni Rica..


"Oh? Bakit mo iniwan si Lotty?" pabiro ko..


"Nakakaurat eh, kausap naman niya si Johan."


"Ah sissy, tingnan mo 'to." sabay turo ko sa isang painting..


"Anong meron diyan?"


"M..M" sabay hawak ni Rica sa painting..


"Parang pamilyar din 'to sa akin."


Napaisip ako ng mga pagkakataong 'yun, hindi ko alam kung saan ko nakita 'yun at iba pang mga painting na nandoon. Habang nagtitingin kami sa mga painting ni Rica, lumabas na sa isang kwarto sa second floor si Marion.


"Guys. come upstairs!" pag-aaya nito..


Umakyat na kami nina Johan, Rica at Lotty sa kwartong pinasukan ni Marion. Pagkarating namin, sumalubong sa amin ang madilim na kwarto na may malaking TV.


"Wow." sabi ni Lotty..


"Kukuha lang ako ng foods ha? Have a seat muna." sabi ni Marion..


"Grabe, astig naman pala sina Marion!" sabi ni Rica..

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now