Chapter 38: Bagong Mr. Campus

2K 10 0
                                    

Chapter 38: Bagong Mr. Campus


"Sisy! PANALO SI JOHAN!!" pasigaw na bati sakin ni Rica..


"OO SISSY! ALAM KO!!" sagot ko ng pasigaw na may halong kilig..


"That ends our program. See you on the next Mr. Campus! Good night everyone!" bati ng host..


Agad kaming umakyat ni Rica para sabihan ng congratulations ang boyfriend kong Mr. Campus na ngayon. Umakyat din ang ang ibang nanunuod kaya dumami ang tao sa stage. Pagkaakyat namin, hinahanap agad namin si Johan pero.


"Sissy! Nakita mo na ba siya??" tanong ko..


"Hindi nga eh, ano ba 'yan! Ang daming tao. Asar!" sagot ni Rica habang sumisiksik sa mga taong andoon..


Palingon-lingon ako, nagbabakasakaling makikita siya, hinahanap ko ang taong mahal ko. Hanggang sa naaninag ko siya sa isang tabi, hindi ako pwedeng magkamali, siya yung nakita ko. Hinila ko agad ang kamay ni Rica papunta doon para 'di kami magkahiwalay. Unti-unti kaming lumapit sa kinaroroonan nito. Nagulat ako dahil ang daming gustong magpapicture sa kanya, mga nakapila na.


Habang naghihintay kami sa dulo ng pila.


"Grabe sissy ah? Pumila pa talaga tayo?"


"Oo, naman, maraming gustong magpapicture eh. Baka sabihin na porket gf ako, iba na ako umasta." pangiting sagot ko..


"Sabagay.. pero."


"Shh! Hayaan mo na." sabay sagot ko..


Wala nang nagawa si RIca kung 'di pumila rin. Medyo mabagal ang pag-usad ng pila pero okay na rin, makakapaghintay pa ako. Lumipas ang ilang minuto, isa na lang, kami na.


"Sissy, ikaw humawak ng camera ha." pakisuyo ko..


"Sige lang, ako bahala."


Ayan! Turn ko na. Humakbang ako ng isa papaharap sa kanya habang nasa likod ko ang mga kamay ko. Mukhang hindi niya ako napansin dahil sa pagod nito.


"Hello Mr. Campus! Congratulations! Pwede po magpa-picture?" tanong ko..


"Sur.. Baby??" halata ang pagkagulat nito..


"Hi baby!" sabay ngiti ko dito..


"I missed you."


"Na-miss din kita. Kamusta ang bagong Mr. Campus?" sabay tapik ko sa balikat nito..

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon