Chapter 59: Paalam

929 7 3
                                    

Chapter 59: Paalam


"Si Marion ba 'yun??" pagbulong sakin ni Rica..


"Oo yata? Pero parang.. tumaba siya ng kaunti." bulong ko rito..


"Siguro sa dextrose 'yun." singit ni Elanie..


"Nakakataba ba 'yun?" tanong ni Lotty..


"Aba oo naman!"


"Shhhh! Quiet, class! Mr. Asecas, okay ka na ba?" sabay tayo ng professor namin..


Tumango ito.


"Yes sir! Pasensya na po kung nawala ako bigla." sabay ngiti nito..


"It's okay, by the way, ano ba nangyari sa'yo?" pag-usisa nito..


"Sir, here's my medical certificate po. It will explain everything." sabay labas nito..


Lumapit ang professor namin sa kanya, pagkalapit dito ay sinuot niya ang kanyang salamin at binasa ito. Natahimik ang lahat at hinihintay ang sasabihin ng professor namin.


"Oh... I see." sabay tango nito..


"Sir! Sir! Ano po nangyari sa kanya?" usisa ni Kelvin..


"It's inappropriate if I'm going to tell the whole class. Just ask him." ngiti nito sabay lakad nito pabalik..


"Okay, group five! Continue!"


"Y – yes sir!" sagot ko..


Habang nagpe-present kami, nakatingin lamang si Marion sa amin. Napapalingon ako sa kinauupuan niya at napansin kong maraming nagbago sa kanya magmula nung huli namin siyang nakita sa loob ng class room. Pinagmamasdan niya kami kung paano namin i-present ang case study na sana ay kabilang siya.


Pagkatapos ng ilang minutong palitan ng tanong at sagot ay pinaupo na kami.


"Okay, group five! Your presentation was... superb."


"You've got the highest grade. Next!"


Nagpantig ang mga tainga namin!!


Hindi namin maiwasang mapasigaw ng "YES!"


"Omg congrats sa atin mga sissy!!!" patiling bati ni Lotty..


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now