Chapter 51: 'Di Inaasahang Pangyayari

1.2K 9 2
                                    

Chapter 51: 'Di Inaasahang Pangyayari


Napatigil ang pagtibok ng puso ko sa nakita ko.


Ang huling beses na nakita ko silang magkaharap ay noong sa Tarlac pa.


Tinitingnan ko sila sa malayo habang pinapanalangin sa isip ko na sana walang mangyari na masama.


"Hmm? Do I know you?" tanong ni Kian..


Hindi umimik si Marion, napansin ko na lang na nanggigigil ang kamay nito, mahigpit niyang sinasara na para bang.


"Sissy." mahinang tawag sakin ni Rica..


Tumingin ako rito. Nakita ko ang pagkabahala nito sa mata ko. Nagkaintindihan kami sa isang pagtitig lang. Alam kong alam nito ang nararamdaman kong kaba.


"Uy! Pasok ka!" pagbati ni Tita..


Tumango lamang si Kian at pumasok ito, naiwang nakatayo sa may pintuan si Marion.


"Kamusta ang araw mo?" tanong ni Tita..


"It's okay. I feel great. Teka po, nasaan sila?" sagot ni Kian..


"Umalis sila eh. Upo ka muna, kukuha kita ng maiinom."


"Oh, I see. Thanks, Tita!"


Umalis saglit si Tita, pumunta sa may kusina. Mabilis ang tibok ng puso ko kasi, nakatingin lang si Marion kay Kian. Para bang may iniisip ito na nagbibigay sa akin ng sobrang kaba.


"What's happening to Marion?" pabulong na tanong ni Johan sa akin..


"H – hindi ko din alam.."


"I feel..something's strange." sabi nito..


"A – ako rin." pabulong kong sagot sa sarili ko..


Walang gumagalaw sa pagkakataong 'yon. Lahat naghihintay ng mga posibleng mangyari. Lahat nakatingin sa kanilang dalawa. Lahat kinakabahan sa susunod na mga hakbang.


Lumipas ang dalawang minuto ng katahimikan.


Lumabas si Tita galing sa kusina namin sa likuran, kung saan nakalagay yung mga lutuan at lalagyan namin ng tubig na malamig. Tinitingnan ko lang si Tita. Kumuha ito ng yelo sa pridyider na malapit sa amin ni Johan. Naglakad ito papunta sa inuupuan ni Kian.


"Oh, heto na iho." sabi ni Tita..


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now