Chapter 3.8: Ang Nakaraan ni Monday (part 6) - Alapaap

3.1K 21 4
                                    

Chapter 3.8: Ang Nakaraan ni Monday (part 6) – Alapaap


Kinaumagahan, bumangon si Monday. Mga 5:30am na noon, agad siyang nag-ayos ng hindi kalakihang kama niya. Dumiretso siya sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos, habang nagpupunas ng mukha gamit ang kanyang tuwalya ay iniisip niya kung kamusta na ang kalagayan ni Marion. Bumaba ito ng hagdanan at nakitang nag-aayos na ng agahan ang kanyang nanay.


"Good morning, nay!" masiglang bati ni Monday habang papalapit sa nanay niya..


"Oh, gising ka na pala anak."


"Opo, maaga kasi pasok namin ngayon."


"Sakto, nakaluto na ako, umupo ka na at pagsasandok na kita ng pagkain."


"O'sige, nay."


Naglagay nang kanin at ulam sa plato ang kanyang nanay at dinala ito sa lamesa.


"Mainit-init pa 'yan nak ha." sabay balik sa kusina..


"Halata naman nay, nausok pa oh." sagot ni Monday sabay paypay sa kanin..


"Heto nak kape para mainitan ang sikmura mo."


"Salamat 'nay. Teka, kumain na po ba kayo?"


"Hindi na. Mamaya na ako kaunti."


"Bakit 'nay?" tanong ni Monday, sabay subo..


"Mamalengke pa ako mamaya. O'siya, pagkatapos mo dyan ay maligo ka na. Magtutupi muna ako."


"Sige po 'nay."


"Akyat na muna ako."


"Okay po."


Pagkatapos kumain ni Monday ay umakyat ito at naligo. Makalipas ang isang oras ay natapos itong maligo at magbihis.


"Nanay! Aalis na po ako." sabi ni Monday, sabay katok sa pinto..


"O'sige nak. Mag-iingat ka!"


6:30am. Nang makaalis ito sa kanila. Dumiretso siya sa classroom nila, napansin niyang wala pang tao sa room kaya naisipan nitong maglakad-lakad muna. Sa may puno sa may bandang gilid ng school nila ay naisipan niyang tumambay muna. Habang pinagmamasdan ang grounds nila ay napakanta ito ng favorite song niya.

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now