Chapter 67: Text

753 8 0
                                    

Chapter 67: Text


Ilang segundo rin ang ginugol upang mapuno ang pangalawang kape. Habang tinititigan yun ay iniinom ko ang natirang laman ng natapong kape. Napupuno ng mga tanong ang isip ko. Hindi ko alam kung totoo ang mga narinig ko. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa tatay at pamilya ni Marion. Pero bakit.. Anong ginagawa niya rito? Ang buong akala ko ay aalis na sila papuntang Canada? B – b akit..


"Miss, mawalang-galang na. Okay na yata 'yung order niyo."


Natauhan ko sa narinig kong boses. Napalingon ako at nakita kong may nakapila pa pala. Agad kong binalik ang tingin ko sa kape ko at nakita kong puno na nga ito. Madali kong tinapon sa malapit na trashcan ang baso ng ininuman kong kape at kinuha ang panibago.


"Pa – pasensya na po." sabay tango ko..


Nakatungo akong umalis sa tapat ng vending machine dala ang dalawang kape. Nakakahiya! May ibang tao na pala dun. Hindi ko man lang namalayan.


Naglakad ako pabalik sa kwarto ni tatay, hindi ko na nilingon muli ang vending machine, binilisan ko ang lakad ko pero todo ingat para hindi matapon ang dala-dala kong dalawang kape.


Nang nasa tapat na ako ng pinto ay nahirapan akong buksan ito. Hinawakan ko ng isang kamay ang parehong baso, tiniis ko ang init ng biglang maramdaman kong dumulas ang kamay ko sa doorknob dahil.


"Uy!" pag-iingat ko sa kape..


Nakita kong bumukas ito. Si nanay pala ang bumukas ng pinto, nagulat ito sa akin.


"Susmaryosep kang bata ka! Bigla-bigla ka na lang nasulpot!" sabi ni nanay..


"Wew! Buti na lang hindi natapon yung kape. Kayo talaga nay! 'Eto po yung sa inyo." sabay abot ko ng isang kape..


Kinuha niya ito, pati na rin yung isa ko pang hawak.


"Oh, hintayin mo na ako dyan. Iaabot ko lang 'to sa tita mo tapos uuwi na tayo." bilin nito..


"O – osige po."


Hinintay ko siya sa tapat ng may pinto. Tanaw ko mula roon ang higaan ni tatay. At nabaling ang tingin ko sa higaan ng batang kasama namin sa kwarto. Napansin kong.. may kasama na siya pero hindi ko makita ng maayos dahil sa siwang lang ng pintuan ko siya nakikita. Papasok na sana ako pero hinawakan na ako ni nanay sa braso.


"Oh, tara na. Si tita mo na raw muna ang bahala." sabay hila sa akin ni nanay..


"T – teka.."


Hindi na ako nakahirit. Naglakad na kami papalayo pero naiwan pa rin ang tingin ko sa kwarto. Nang makababa na kami sa groundfloor ng hospital, dumiretso kami sa CR para umihi. Nang naghuhugas ng kamay si nanay, napansin kong maluha-luha ang mga mata ni nanay dahilan para magtaka ako.

One Hundred Days (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ