Chapter 13: Byaheng Tarlac

2.5K 23 14
                                    

Chapter 13: Biyaheng Tarlac


Biyernes ng gabi, habang nag-iimpake ako ng mga gamit para sa pag-uwi ko sa amin ay biglang.


"Monday!" sabi ni Tita, sabay katok..


"Bakit po?"


Pumasok si Tita sa kwarto ko, tumabi sa akin.


"Tulungan na kita dito sa pagtutupi. Kunin mo na 'yung iba mong dadalhin."


"O - okay po.."


Pagkatayo ko ay pumunta ako malapit sa lalagyan ko ng mga damit, sa kabilang dulo lang naman siya ng kama ko. Magkabilang dulo ang upo namin ni Tita.


"Sure ka bang isasama mo si Johan sa inyo?"


"O - opo??"


"Bakit hindi ka sigurado?"


"Kilala niyo naman po si nanay diba?"


"Oo naman. Strikta nga siya pero mahal ka nun."


"Sus. Palibhasa wala akong kapatid kaya mahigpit sa akin."


"Eh kasi nga, mahal ka."


"Sa tingin niyo po, maiintindihan niya ako? Ano kayang magiging reaksyon niya? Magagalit?"


"Tingin ko naman hindi, lalo na kapag malaman nito na hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo tapos nakatagpo ka pa ng lalakeng marespeto. Panigurado, maiintindihan ka nun." sagot ni Tita..


"Sana nga po. Ay teka. Paano po kapag umalis ako? Sino po kasama niyo rito?"


"Malamang wala, dalawa lang tayo dito diba?" pabiro ni Tita..


"Bakit po kasi ayaw niyong pauwiin ang mga anak niyo sa Japan?"


"Iha, masaya na sila doon eh. 'Wag na nating gambalain pa."


"Eh tita. Kayo lang po ang inaalala ko."


"Huwag mo akong alalahanin, kaya kong mapag-isa." sabay ngiti nito..


"O'siya. Tapos na ako rito, ikaw na bahala sa iba ha. Matutulog na ako."


"O'sige po. Thank you!"


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now