Chapter 1.10: Unexpected (part 3) - Determination plus Effort

4.1K 31 10
                                    

Chapter 1.10: Unexpected (part 3) - Determination plus Effort


Pagkalabas niya ng bahay ni Aleng Pureng ay agad itong sumakay sa kanyang kotse. Sinimulan na niya agad ang paghahanap. Nag ikot-ikot siya sa bayan. Nagtanung-tanong. Nagmasid ng mga kahina-hinala. Pero lumipas ang magdamag ng wala pa ring natagpuan. Malapit na mag alas syete ng gabi nang makauwi siya. Nang malapit na siya sa bahay ni Aleng Pureng ay may nakita itong flowershop. Pumunta siya roon at naisipang bumili ng roas.


Pagkarating niya sa kanyang tinutuluyan.


"Good evening, Aleng Pureng!" bati ni Johan habang papasok ng bahay..


"Oh, iho! Nandito ka na pala!" sagot ni Aleng Pureng habang nanunuod ng TV..


"I have something for you."


"Ano iyon, Iho?"


Agad inabot ni Johan ang rosas na binili kay Aleng Pureng. Natahimik ito at medyo naiiyak. Nagtaka si Johan sa nakita.


"Aleng Pureng? Are you okay? May nagawa po ba akong mali?"


"Wala, iho."


"Naalala ko lang nung mga panahon pa dati, binibigyan din ako ng asawa ko ng ganito sa tuwing binibisita niya ako at noong kinasal kami, palagi niya akong binibigyan. Pero ngayon, ngayon na lang uli ako nakatanggap nito."


"Oh, Sorry po."


"Wala yun, iho. Halina, kumain na tayo."


Habang nag-aahin si Aleng Pureng ng kanin ay nilagay nito ang rosas sa isang vase sa gitna nang lamesa. Habang nakain sila ay.


"Teka, iho. Diba sinabi mo na galing kang Maynila?"


"Opo."


"Eh bakit napadpad ka rito?"


"Kasi po may mahalaga akong bahay na hinahanap."


"Ano ba iyon? Babae ba?"


"Hala. hindi po." pabirong sagot ni Johan..


"Eh ano iyon, iho?"


"May nakapagsabi po sa akin na may nagbabagsak ng mga kalakal dito na mula Manila eh."


"Anong klaseng kalakal iyon, iho?"


"Mga Cellphones po."

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now