Chapter 1.5: Crazy Little Thing called Effort (part 2)

5.5K 48 14
                                    

Chapter 1.5: Crazy Little Thing called Effort (part 2)


Kinaumagahan, nakasabay ni Johan sa pagpasok si Monday. Napansin nito na balisa si Monday. Habang naglalakad sila sa Campus.


"Are you okay?" tanong ni Johan..


Hindi narinig ni Monday ang tanong ni Johan kaya tumayo ito sa harapan niya.


"I said. Are you okay?"


"Can't you see? I'M NOT!" pabalang na sagot ni Monday..


"Ohh. What nangyari?" malumanay na tanong ni Johan..


"My bag has been snatched last night, including my cellphone." malungkot na sagot ni Monday, sabay tingin sa baba..


Nagulat si Johan sa narinig niya. Hinawakan niya ako sa balikat at tumingin siya ng seryoso.


"It will be okay. Smile na."


Pagkatapos ng klase nila kay Sir Albie, may dalawang oras pang bakante si Johan kaya dali-dali itong pumunta sa kotse niya. Alam niya kung ano ang magagawa niya para sumaya si Monday. Naisip niya na may isa pa siyang cellphone na binili sa kanya ng nanay niya na hindi niya ginagamit. Habang nagda-drive.


"Maybe I should give it to her." bulong sa sarili..


Nang makarating sa kanila ay nagmamadali itong pumasok, umakyat sa kanyang kwarto. Hinahanap niya agad ang kahon ng cellphone na ibinili sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ng paghahanap.


"Where is it?"


Bumaba ito para tanungin sa nanay niya.


"Mom! Where's the the phone you bought for me?"


"'Yun ba? You said you don't need it, so binenta ko na lang."


"WHAT?"


Umakyat ulit si Johan, kinuha niya ang isa niyang wallet at agad umalis. Nagpunta siya sa isang mall. Buti na lang at may dala itong pera na naipon niya noong nasa Amerika pa siya, agad itong nagpapalit. Sa isang kilalang tindahan ng mga cellphone, nakita ito ng cellphone na kapareha ng sa kanya.


"Miss, can I have this one?"


"Okay sir."


Bumalik ang babae na dala ang cellphone.


"Okay, I'll take it." sabi ni Johan habang kinukuha ang pera sa isa niyang wallet..

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now