Chapter 25: Unang Pagkikita

2.2K 9 0
                                    

Chapter 25: Unang Pagkikita


Napalingon kami ni Marion sa bungad ng botanical garden. Nakita ko na ang nagsalita kanina ay si Johan.


"Hey!!" pagalit na sabi ni Johan, habang papalapit sa amin..


Hinawi nito ang kamay ni Marion na nakahawak sa braso ko.


"Who do you think you are??"


"Sino ka ba? HA?"


Nataranta ako sa pagkakataong 'yun, alam ko kasing mag-aaway silang dalawa.


"I'm her boyfriend."


"Boyfriend? Eh ako mahal niya eh!"


"Monday! Anong sinasabi niya??"


"Sabihin mo nga, Ilong na ako ang mahal mo!!"


"You choose between us, NOW!"


"Ilong."


"Ilong."


"Ilong!! Okay ka lang ba??"


"Huh?"


"Natulala ka bigla. Anong nangyari sa'yo??"


"Ha??"


"Kausap kita kanina, tapos bigla kang nanahimik. Okay ka lang ba?"


Nagulat ako. Kasi imagination ko lang pala yung kanina. Akala ko kasi totoo, buti na lang, kung 'di kapag nagkataon, malaking gulo ang mangyayari.


"Ano, okay ka lang ba?"


"Oo.."


"Bitawan mo nga ko." sabay hawi ko sa kamay nito..


Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya.


"Gagawin ko lahat ng paraan, para bumalik ka sa akin!" sigaw ni Marion..


"Alam ko, hindi mo pa ako nakakalimutan, Ilong!!"


Binilisan ko ang paglalakad ko, gusto kong kalimutan na nakita ko siya roon. Gusto kong makalayo, gusto kong lagpasan ang araw na at isiping panaginip lang ang lahat. Kaso, kahit kalimutan ko ang araw na 'to, bukas, sa kamakalawa, sa isang araw at isang linggo, makikita at makikita ko rin siya.

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now