Chapter 1.7: Box Full of Memories

4.7K 35 10
                                    

Chapter 1.7: Box Full of Memories


Pagkatapos ng nangyaring iyon ay tila mas naging malapit sila sa isa't-isa. Mas maraming bagay ang napagsaluhan nila. Mas maraming tawanan, kulitan, usapan at hagikgikan. Mas maraming kwento at sinabing sikreto. Sa mga sumunod na araw pa ay mas napalapit ang loob ni Johan kay Monday. Sabay silang pumapasok, kumakain, at hinahatid niya rin ito palagi.


Isang gabi, bago ang ikalimampung araw nang pagkakakilala nito kay Monday ay may naisip itong gawin. Kinuha niya ang mga nakatabing construction papers at agad niya itong ginupit ng pabilog. Pagkatapos ay nilagyan niya ito ng mga smiling faces sa harapan. Pagkatapos ay naisipan niyang ilagay sa likuran ang mga pangyayari magmula sa unang araw niya itong nakita hanggang sa kasalukuyan. Habang nagsusulat ay naalala niya ang first day nilang magkita ni Monday. Sa room, mga pasulyap-sulyap niya at iba pa. Napapangiti ito at napapatawa. Makalipas ang tatlong oras ay natapos niyang lagyan ang lahat. Naghanap ito ng lalagyan nun. Sa kanyang paghahanap ay nakita nito ang isang box na nakalagay sa kanyang drawer. Napabuntong hininga siya sa nakita niya, napangiti.


~


"Daddy! I want that action figure!"


"Ha - ha -ha. Which one, son?"


"This one daddy! This one! PUHLEASE?" sagot ng bata habang tinuturo ang laruan sa loob ng tindahan..


"Okay son, just wait for me."


"Yehey! Yey! Yey!"


Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik ang lalake.


"Here you go, Johan." sabi ni Mr. Richards sabay abot ng box kay Johan..


"Yehey! You're the best Dad! Yey!"


"Ha - ha - ha. Let's go home."


Pagkauwi nila ay agad nitong pinagmayabang ang laruan sa mga kalaro niya.


"Hey look! I've got the latest action figure!"


"Besh! Bshhhhh!" inggit ni Johan sa mga kalaro niya..


Naglaro sila. Sa kalagitnaan ng paglalaro nila ay bigla itong tumalsik sa malayo. Hinanap ito ni Johan pero sa kasamaang palad eh hindi na niya ito nakita.


Lumipas ang dalawang oras, lumapit ang batang naiyak sa kanyang nanay.


"Oh? Why you're crying my dear?" sagot ni Mrs. Richards..


Yumakap si Johan sa nanay niya.


"I. I. I. lost the action figure daddy bought me! Waaaaaa!" hagulgol ni Johan..

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now