Chapter 1.3: Agreements

6.5K 58 36
                                    

Chapter 1.3: Agreements


"Hi Class, I'm Alberto de Dios, tawagin niyo na lang akong Sir Albie. Ako ang magiging professor niyo rito sa Filipino1." Sabi ng prof na nasa harapan nila..


Dali-daling bumalik sa totoong kinauupuan ang babaeng nangungulit kay Johan. Filipino nga kase ang klase nila at dahil hindi pa nakakaintindi masyado ng tagalog ay hindi na lang ito nakinig. Panaka-naka ang pagsulyap niya sa babaeng isang upuan lang ang pagitan nila.


"Okay Class. Na-discuss ko na ang mga panimulain sa klase ko, ngayon ay aayusin na natin ang pagkakasunod-sunod ng mga apelido sa upuan." patuloy niya..


Nag-react ang buong klase. Nang nagtatawag na ng mga pangalan ay hinihintay ni Johan na matawag ang pangalan ng katabi niya. Hanggang sa.


"Ms. Maria Monday Ramirez! Dito ka uupo." patuloy ni Sir..


Nagulat si Johan kasi tumayo ang babaeng katabi niya.


"Oh. Her name is Monday." bulong sa sarili..


"Mr. Johan Richards! you sit beside Ms. Ramirez.." dugtong ni Sir..


Mas nagulat siya kasi magkatabi pala sila. Habang papunta sa upuan niya.


"This is my luckiest day!" sigaw ni Johan sa isipan niya..


Sa sobrang saya, nasagi niya ang cellphone ni Monday. Hindi niya ito sinasadya. Agad niya itong pinulot.


"Ohh. Sorry. I thought it was a trash. Here." sabi niya..


Hindi niya sinadyang sabihin 'yung trash na salita pero yun ang lumabas sa isipan niya. May kalumaan na kasi ang cellphone ni Monday kumpara sa cellphone ng kahit na sinong nasa room nila.


"Basura? Ganon tingin mo sa cellphone ko?" sagot ni Monday..


Tiningnan lang siya ni Johan. Kahit na hindi niya maintindihan ang sinasabi nito ay ramdam niyang galit 'to. Gusto niyang humingi ng sorry pero.


"Oh, tama na 'yan. Let's start the class na!" sabi ni Sir Albie..


"Tulad ng unang araw niyo sa High school ay magpapakilala rin kayo isa-isa sa harapan." patuloy niya..


Nagsimula na silang magpakilala pero may ibang tumatakbo sa isipan ni Johan.


"Oh darn. What I've done? I think I made her angry." bulong ni Johan sa sarili..


Hanggang sa.

One Hundred Days (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora