Chapter 1.2: Crush at First Sight

7.3K 75 33
                                    

Chapter 1.2: Crush at First Sight


Kinabukasan, maaga silang nagising at dali-dali silang pumunta ng nanay niya sa Pamantasan na papasukan niya. Habang naglalakad sa loob ng campus.


"Isn't this University great?"


"Yeah. It is. It's totally different but.." sagot ni Johan..


"Don't worry, it will be okay." sabay ngiti ng kanyang nanay..


Habang papunta sa room na pagkukuhanan ng exam, tinapik siya ng nanay niya.


"Good luck dear."


Pagkapasok ni Johan sa room, pinagtinginan siya, parang doon lang sila nakakita ng Amerikano sa buong buhay nila. Kahit pa laganap ang iba't-ibang lahi sa Pamantasan na 'yun. Umupo siya sa bandang harapan. Habang komportable na siya sa pagkakaupo, habang hinihintay ang proctor nila ay nakatingin siya sa bintana sa may pintuan. Nang biglang may pumukaw ng atensyon niya. Isang babae na naglalakad sa labas ng room na 'yun. Natigilan siya sandali sa nakita, natulala. Nais nitong tawagin ang babaeng dumaan ngunit dumating na ang proctor nila.


"Darn." bulong nito sa sarili..


Sinimulan na ang Entrance Exam. Isa isa silang binigyan ng test paper. Buti na lamang at ingles ang mga tanong dahil sa hindi pa gaanong marunong magtagalog si Johan. Habang nagsasagot ay kinuha ng proctor ang kanyang atensyon.


"Mr. kindly, remove your earphones."


"Pardon?" sagot ni Johan habang inalis ang isang earphone..


"I said. PLEASE remove your earphones."


"Oh. I'm so sorry."


Inalis niya ito at bumalik sa pagsasagot. Makalipas ang limang oras ay natapos na niya ang exam. Lumabas na sila ng room. Lumabas din si Johan na kampante na pasado siya. Nakita niya ang text sa kanya ng nanay niya.


"How's your exams, dear?"


"T'was kinda boring, mom." reply niya..


Nag-decide siyang huwag muna umuwi. Nagbabakasakali siyang makikita niya ang babaeng nakita niya kanina. Habang nag-iikot, napadaan siya sa isang botanical garden. Nakita niya na tahimik doon at maganda ang lugar kaya piniling magpalipas ng oras. Umupo siya, nagpahinga at nagbasa ng libro.


"This is heaven for me." bulong sa sarili..


Bago umalis, nangako siyang dadalaw siya roon araw-araw at dadahilin ang taong magiging malapit sa kanyang puso sa tuwing ika-14th, 50th at 100th araw nilang pagkakakilala. Pagkauwi niya ay naabutan niyang kakain pa lang ng hapunan ang mga kasama niya sa bahay. Agad siyang sumalo. Habang nakain.

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon