Chapter 3.5: Ang Nakaraan ni Monday (part 3) - Yakap

3.3K 21 4
                                    

Chapter 3.5: Ang Nakaraan ni Monday (part 3) - Yakap


"Ang routine natin para sa field demo ay acting na may kahalong sayaw. Obviously sina Ms. Ramirez at Mr. Asecas ang magiging pangunahing aarte And the rest, sasayaw na may halong pag-arte." sabi ng teacher..


Medyo kinabahan si Monday kasi wala siyang kaarte-arte sa katawan. Hindi siya marunong sumayaw o umarte.


"Sir. Paano po 'yan?" singit ni Monday..


"Bakit, Ms. Ramirez?" tanong ng teacher..


"Hindi po ako marunong umarte." pahiyang sabi ni Monday..


"Ah ganon ba?"


"Ako na bahala sa kanya, sir." singit ni Marion..


Tumingin siya kay Monday, kinindatan at sabay sabing..


"Umoo ka na lang."


"Ah.. Opo, Siya na po ang bahala sa akin, sir." medyo pilit na sabi ni Monday..


"Good! Tulad ng sabi ko, sayaw at arte 'to. So swerte ang mga maarte dyan!!" pabirong sabi ng teacher..


"'Eto nga pala yung kantang gagamitin natin para dito sa field demo. Pakinggan niyo." dugtong ng teacher habang pinapatugtog yung music..


After ng marinig ng lahat, nagtanong ang teacher.


"Anong napansin niyo sa music natin?"


"Ayos naman po kaso parang ang boring po."


Tumawa lahat sa sagot ng isa.


"Boring ba, Mr. Valdez? Umuwi ka na lang kaya?"


"Sorry na, sir Chan!"


"Sorry ka dyan." pabirong sabi ng teacher..


Habang may nangyayaring diskusyon, nag-uusap naman sina Marion at Monday sa isang tabi.


"Buti tinupad mo 'yung pinag-usapan natin dati." pangiting sabi ni Marion habang nakatingin kay Sir Chan..


"Pinilit kong pumasok dito, para sa'yo." sagot ni Monday..


"Ah. Ganun ba?" tumingin siya kay Monday, pero iniwas ni Monday ang tingin niya..


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now