Chapter 71: Kumpleto

609 8 0
                                    

Chapter 71: Kumpleto


Mga ilang minuto rin akong nakaupo sa ilalim ng puno. Tinititigan ang cellphone kong nadedbat na. Hindi parin ako maka-move on sa nangyari. Kung kailan ko siya gustong makausap ng sobrang tagal tsaka naman na-dedbat yung cellphone ko. Pero sumaya ako kahit papaano dahil kahit na sa maikling oras eh nagkaroon kami ng pagkakataon para makausap ang isa't-isa. Sa ngayon, magiging malakas muna ako para sa sarili ko at sa pamilya ko. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik nila rito.


Bumalik ako sa kwarto namin ng may ngiti sa labi ko.


"Oh nak? Mukhang masaya ka ah?" salubong ni nanay..


"Opo, nakausap ko si Johan eh."


"Ano raw ba ang balita sa kanya?"


"Ayun, uuwi na raw po sila sa susunod na linggo." pangiti kong sabi..


"Aba, mabuti 'yan. Pupunta ba sila dito sa atin?"


"Opo raw 'nay. Kasama yung mga magulang niya po." sabi ko..


"Ha? Nako, mukhang kailangan ng magising ng tatay mo bago sila dumating." pabirong sabi nito..


"Nay talaga, nagawa pang magbiro!"


"Syempre, mamamanhikan na yata sila eh."


"Mamamanhikan? Ano po 'yun?"


"Basta, malalaman mo 'yun nak kapag dumating sila dito." pangiting sabi ni nanay..


Hindi ko alam kung ano ibig niyang sabihin pero mukhang maganda ang mangyayari sa oras na dumating sila dito. Nako, kinakabahan na ko.


Lumipas ang ilan pang oras, pasado alas otso na nun ng nagdala ng pagkain si tita Nessa sa amin. Habang nakain kami ng hapunan.


"Ilang araw nang nandito sa hospital si Alfonso. Kailan kaya magiging okay ang tatay mo?" tanong ni nanay sa akin..


"P – po?"


"Hindi ko po alam pero sana, sa mas madaling panahon po, diba? Lumalaki na rin po ang bayarin natin dito sa hospital." mahinang sabi ko..


"'Yun nga rin iniisip ko nak, inoperahan pa ang tatay mo, tiyak mababaon tayo sa utang."


"Pureng, 'wag ka mag-alala. Paghahati-hatian natin ang bayarin dito sa hospital. Sa ngayon, kumain muna tayo at magpalakas kayo para kay Alfonso." singit ni tita Nessa..

One Hundred Days (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum